Chapter 1

25 4 0
                                        

Jemimah POV:

"Ate Jem hindi ka pwede mawala sa birthday ko ah." Paalala ni Katrina sa kabilang linya. Nagising ako sa tawag nito. Ang aga aga mambwisit.

"Yes I know. Count me in. I just woke up because of your call." Maingat kong inalis ang nakadagan na braso ni Jordan sa tyan ko.

"Alright sorry for the call. Gabi na kasi rito. I'll hung up. Bye!" at naputol na ang linya.

Si Katrina 'yon, pinsan ko. Nasa US siya at uuwi sa isang linggo at pinaalala ang kanyang kaarawan. Inilagay ko ang phone sa side table. Napangiti ako nang makita ang natutulog pa rin na si Jordan- soon to be my husband. I kissed him and I smiled again when it flashed on my mind what we had done yesterday night.

Nagtungo ako sa cr para mag-ayos na. I have scheduled meetings and appointments. I'm the one who manage our business here in the Philippines. Kuya Jeremy naman sa Korea and Kat sa US. Actually we owned a hotel and restaurant chains not only in the Philippines. I think we have 15 branches at baka madagdagan pa. We have a lot of business and investments. Naisip kong isingit na rin sa sched ko ngayon ang pagbili ng gift kay Kat.

Lumabas akong naka bathrobe pa at nakitang gising na ang hubby ko. "I love the view. Good morning!" Bulalas niya.

I tsked. "Go get up now. It's already 8AM. I know you have work today."

"I think I want to have another round. Maaga pa naman." Pilyong sagot nya.

"Jordan!" suway ko.

Lumapit sya sa akin at hinapit ang aking bewang. He gave me a peck. Mabilis nyang natanggal ang tali ng aking roba at malayang pinasadagan ng tingin ang kabuoan ko. Namula ako sa ginawa nya.

I just hugged him. "I love you. Not now babe. I have my meeting in an hour."

Nalungkot ang mukha nya sa pagka dismaya. "It's okay. I'll get ready." at tinungo nya na ang cr para maligo.

Nag blower ako ng buhok at nag ayos. I called my secretary and informed her that I'll be there in a few minutes.

Habang nasa byahe ay inopen ko kay Jordan ang tungkol sa birthday ni Kat.

"Next week? I think I can't make it baby. I'll be in Macau again for Mr. Chan's contract. We'll do the ribbon cutting and opening ceremony. Baka 5days ako ulit doon." mahabang paliwanag nya.

Nalungkot naman ako nang maalala na matagal na naman syang mawawala sa piling ko. "It's okay. Sabihan ko na lang si Kat na hindi ka makakasama." tumango lang sya at binalik ang tingin sa daan.

Nakarating na kami sa RC (Rivera Corporation) hinatid lang ako ni Jordan dahil may appointments din syang pupuntahan. Shareholders din naman namin ang Arellano Group of Companies. Nandito na ako sa meeting and we're talking about the expansion in Thailand. They want to open a hotel there, may mga clients and investors na willing. Nang matapos ang meeting ay binisita ko naman ang isa naming restaurant sa Manila. Doon na rin ako bibili ng regalo para kay Kat. Dumaan muna ako sa coffee shop nang mapansin ko ang ilang bulungan at tilian ng kababaihan.

"OMG super hot nya."

"Grabe sobrang gwapo naman non!"

"Shet tinanggal pa yung shades."

"He's more handsome in a closer view."

Napatingin naman ako sa kanina pa nila pinag-uusapan. Isang gwapong binatilyo raw na nasa harapan ko pala. Nakapila sa counter to order a drink. Likod lang ang nakikita ko kaya pinag walang bahala ko na lang. Nang makuha ang order ko ay nag stay muna ako roon ng ilang minuto. I dialed Jordan's number but no answer. I guess he's busy right now.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon