Jemimah POV:
"Ugh Nick. Baby I love you!"
"I love you too Jemimah."
We kissed.
Fuck! Napabalikwas ako ng bangon. Pambihira! Ano bang nangyayari sa akin? Pinalo ko ang noo dahil sa panaginip na iyon. 2nights na akong walang maayos na tulog. I checked the time, it's already 1 in the midnight. Winaksi ko ang ulo. Bakit ba sya na lang lagi ang napapanaginipan ko? Nakakainis na!
Bumaba ako at nagpunta sa ref para kumuha ng gatas. Napahawak ako sa dibdib sa nakita. I was shocked when I saw Kat drinking alone. May problema ba sya?
Nilapitan ko sya. "Hey bakit nagiinom ka dyan magisa?"
Tinignan nya lang ako at sumimsim ng alak. "Ate Jem!" bakas sa boses nito na nalulungkot sya. "Paano pag hindi ka gusto ng taong gusto mo?" nabigla naman ako sa tanong niya.
"Ha? Bakit mo naman natanong iyan?"
"Kung sabagay hindi mo naman ata naramdaman iyon. Masaya ka sa piling ni kuya Jordan, at mahal nyo ang isa't isa." nabanaag ko na may tumulong luha sa mata nya.
I patted her head. "Ano ka ba! Alam mo Kat, bata ka pa. Maganda ka. I'm sure maraming nagkaka gusto at nanliligaw sa iyo. Wag mong pilitin ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Sabi nga nila there are plenty fishes in the sea. Hayaan mong kusang dumating ang para sa iyo Kat."
"Pero ate sobrang gusto ko kasi sya eh." gumaralgal na ang boses nya.
Naawa naman ako sa batang ito. Marahil ay in love na sya roon sa lalaki. "Mahirap sa umpisa. Pero alam kong makakaya mo yan. Ituon mo sa ibang bagay ang sarili mo. Magpakabusy ka! Mas masarap magmahal kapag mahal ka rin ng taong mahal mo Kat." I hold her hands. "Kaya huwag ka na mag iinom magisa. Kung kailangan mo ng makakausap, andito lang ako. Okay?"
Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha nya. "Thank you ate Jem. Next week na ang balik ko sa America."
Oo nga pala! Nagbakasyon lang sya rito. "Ang bilis naman."
"Kaya nga ate eh. Gusto ko sana ienjoy pa ang pag stay dito. I know mamimiss ko ang Pinas. Matagal na naman ang balik ko rito." Kumuha sya ng chips sa at kinain. "Mag beach tayo ate! Since summer naman. I wanna go to Palawan. Ako na ang mag b-book ng flight and accommodation natin. Just tell tito and tita."
Nagulat ako sa sinabi nya. It's been a while since my last unwind. Puro kasi business ang inaatupag ko. Mukhang magandang idea yon. Besides, para na rin makapag bonding. "Okay. Mag f-file ako ng leave. 3days will do. Make it on the weekends. Alam mo naman ang free day nina daddy."
"No worries!"
"Oh sya! Magpahinga ka na. Kung wala kang gagawin bukas, nasa SamgyupBimbap ako. I'll meet the architect na mag redesign ng interior doon. Baka gusto mo sumama?
"Sure I'm coming with you!" tumayo na sya at kumuha ng water. "Good night ate Jem! See you tomorrow." at tumakbo na sya sa kwarto nya.
I sighed. Bumalik na nga rin ako sa kwarto at sana dalawin na ako ng antok.
——
"This will serve as the light in the front. As you can see, it has a rough texture and the space is inadequate so we need to enhance specially the design is not appropriate with the ambiance blah blah blah—"
I'm currently listening to the architect until that face preoccupied my mind again. What the hell. I instantly nodded when he asks a question. Kahit hindi ko narinig. Natapos ang pag-uusap namin ni Mr. Luke nang wala akong naintindihan. Nakalabas na ito SamgyupBimbap na nakatulala pa rin ako sa pinto.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
Romance6 years. Ganon na lamang ang saya at galak ni Jemimah nang mag propose ng kasal ang kasintahang si Jordan. Buong puso nyang tinanggap ang pagmamahal nito. There's no perfect relationship but hers was like a fairy tale. Wala na syang mahihiling pa...