Jemimah POV:
Isang malakas na halakhak ang yumanig sa sasakyan dahilan para ilagay ko ang AirPods at sa halip ay makinig na lang ng music.
We just landed at Puerto Princesa Airport. Ngayon ay nasa sasakyan na kami papunta sa hotel.
I'm actually appreciating the view when I heard their non stop conversation.
Nakakarindi! Oo naiinis ako. Hindi ko sukat akalain na kasama ba naman sa excursion namin ang nag-iisang lalaking kinaiinisan ko. Si Nick! Bakit ba ang excess nya sa buhay ko?! Sinama sya ni Kat since same naman daw sila ng flight pauwi sa US. Si Jenny naman, ayun buong byahe tulog.
I love you, baby
And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say
Oh, pretty—Nahinto ang sounds na pinapakinggan ko. Alam mo yon? Nag m-moment ako eh. Naalala ko si Jordan sa kanta eh. Sobrang miss ko na sya.
"What?" I asked Kat when she removed my airpods.
She rolled her eyes. "Ang kj mo ate Jem! Kanina pa kami nag k-kwentuhan, sumali ka naman sa usapan."
Yeah! They are talking as if as they're all excited. Just to know that man with us. Namamangha si daddy sa mga pa cool jokes ni Nick. Sus! Akala nyo naman nakakatawa, for me it was corny!
"I'm sleepy. We could talk all day when we get there."
"Never mind her. Baka wala lang sa mood."
I heard mom. Sumandal na nga lang ako at umarteng matutulog.
Nakapikit lang ang mata ko. Iniisip kung bakit may ganitong kalokohan na nangyayari sa akin ngayon. Bigla bigla ay may intruder sa buhay ko. Ang dami nilang pinag kwentuhan. Maging ang sariling business nito.
"Alam nyo tito and tita, Nick is one of the billionaire in America. The first time we met was at their convention. They're giving some tips to aspiring entrepreneurs in the market." si Kat yan na bidang bida naman ang tinutukoy nito.
So mayaman pala sya?
Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Pero napamulat ako nang masali na naman ako sa topic.
"Actually, I really love your company. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa inyo. Kaya ganon ko na lang din siguro nagustuhan ang anak ninyo."
What??
Mabuti na lang at walang nakakita sa pagmulat ko ng mata. Kaya pumikit na lang ako ulit. I'll just eavesdrop here.
Is he confessing to my parents?
And duh!
He's pretending that he doesn't know that I'm already engaged!
What the hell!
"Nako hijo, you mean to say that you like our daughter Jem?" si daddy yan.
Natawa naman si mommy. "Kung dalaga lang ang anak ko ay baka kinilig pa ako dahil sa sinabi mo pero our goddess Jem is now engaged."
"Ganon po ba? Sayang! Naunahan na pala ako. Then he's a lucky one!" may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi nya.
"Matutuwa ka pag nakilala mo iyong mapapangasawa nya. Mabait din, maginoo at gwapo rin katulad mo." animo'y kinikilig pa si mommy.
Hindi naman sya nakasagot. Mabuti na rin iyan para tigilan nya na ako. What happened in the past, stays in the past. Period. Plus wala nang makakaalam non.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
Romance6 years. Ganon na lamang ang saya at galak ni Jemimah nang mag propose ng kasal ang kasintahang si Jordan. Buong puso nyang tinanggap ang pagmamahal nito. There's no perfect relationship but hers was like a fairy tale. Wala na syang mahihiling pa...