Chapter 3

17 5 0
                                    

Jemimah POV:

Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.

Nagmulat ako ng mga mata.

I saw the white ceiling.

Napasinghap ako sa nakadagan na mukha sa aking leeg at nakayakap ang kamay nito sa aking tyan.

Agad akong napatakip sa aking bibig. OMG! Where am I? Did I really slept with a stranger? Nananaginip ba ako? Kinusot kong muli ang mga mata sa pag-asang baka namamalik-mata lang ako. Ngunit hindi! Totoong may katabi akong ibang lalaki! Fuck! Who is he? I looked down and saw my naked body! Shit! Did we make love? Humawak ako sa aking dibdib. Ang lakas ng tibok nito.

Maingat kong inalis ang yakap nya. I feel sore in between my legs. What the hell have I done?

Pinulot ko ang nagkalat na mga damit ko at mabilis na nagbihis. I search for my phone then call kuya Nardo, driver ni daddy. Sa mansion ako uuwi ngayon since it's Sunday. Family day.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang lalaki while waiting for my driver. Mahimbing itong natutulog. Naagaw ng atensyon ko ang mapupula nyang labi. Naiisip ko pa lang na hinalikan ko iyon ay hindi ko na maatim. Para akong batang gumawa ng malaking kasalanan sa mga magulang. But at the back of my mind, it tells. I really did a huge mistake! I sighed.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko dahilan para sagutin ang tawag. "Okay kuya I'm coming." Pababa na ako ng unit nya. I took my last glanced at him. Gusto kong maiyak na ewan.

Lulan ng sasakyan papunta sa mansion ay pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. It was Katrina's birthday. I'm so wasted. I thought it was Jordan that take me home. Pinilig ko ang aking ulo. Nakatulala lang ako sa daan. I don't even know his name. Gulong gulo ang isip ko. Hindi ko lubos maisip na nagtaksil ako sa aking kasintahan. Paano ko nagawa ito? Napakasakit isipin.

"Ma'am andito na po tayo." saad ni kuya Nardo. Hindi ko namalayan na nasa mansion na kami.

Mabilis kong tinungo ang sala and there, I saw daddy Joe reading a newspaper.

"Daddy."

Agad syang napalingon sa akin. "You're too early hija." he kissed me on the cheeks. "Your mom is in the kitchen, preparing for breakfast. Sabay sabay na tayong kumain." I nodded.

"Where's Kat?" I asked.

"Hindi umuwi rito ang batang iyon. Baka nag enjoy masyado sa birthday nya." paliwanag ni daddy.

Nagkibit balikat na lang ako. Pinuntahan ko si mommy at nakipag beso. She's cooking bacon and egg. How I love my parents. Naka reserve talaga sa amin ang araw ng Sunday. "I miss you mom. Bakit hindi ka na lang nagpatulong kay manang Ester dyan? Asan si kulit?" I was referring to my little sister, Jenny. She's turning 7 this year.

"Kaya ko naman ito anak. Nasa kwarto tulog pa."

I grinned. "Okay. Asarin ko muna." at tinawanan nya lang ako.

Ganito kami pag family day. Kulitan lalo pag andito si kuya Jeremy na super bully. Kawawa lagi si Jenny. Kaso 2years na si kuya sa Korea, he was busy managing our business there. Pagdating ko sa kwarto ni kulit, ayun tulog pa nga ang bruha.

I used the feather na nakatabi lang sa gilid ng cabinet para ikiliti sa ilong nya. Aba! Ayaw magising. Inilipat ko sa tainga nya. Tawang tawa ako. Nagulat sya pero bumalik pa rin sa pagtulog. Muli ko syang kiniliti ayun nagising na. "Ate Jem!!" sigaw nya. Haha!

I tickle her tummy one more time. I love doing this ang asarin sya. "Bangon na. We're going to eat."

Sinimangutan nya ako. "Antok pa ko eh."

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon