Chapter 4

19 4 0
                                        

Jemimah POV:

Maaga akong nagising. 6:25AM ang huli kong kita sa digital clock na nakalagay sa side table ng kama ko. Maaga nga pala akong nakatulog kagabi.

Ngayon ay nakasched ako para bisitahin ang isa naming restaurant sa Manila. Kailangan kasi pagtuunan ng pansin dahil iyon lamang ang may pinakamababang sales sa branches namin.

"Aish! Bakit ba hindi kita mapantay kahit kailan argh!" reklamo ko sa salamin. I'm doing my make up and yung kilay lang talaga ang di ko maperfect. Halos isang oras kami nagtuos ng kilay ko na iyon.

Bumaba na ako because it's past 8AM. Naabutan ko si Rio sa sala. "Let's go?" tanong ko.

Naisipan naman nyang sumama sa akin ngayon since wala naman daw syang plans for today. Sumilip ako sa rear view mirror ng sasakyan kasi parang ewan yung isang sasakyan. Animo'y nakikipag tagisan ng bilis, kaya ayun pinauna ko na lang. Nagmamadali ata?

"Hello ate Jem! Asan ka ba? Bakit di mo iniwan yung notepad ko. My gosh! I need that." bungad ni Kat sa tawag.

Kailangan nakasigaw? "I'm on my way to our resto in Manila. Bakit kasi hindi mo kinuha sa bag ko." yeah. Naiwan yung notepad nya sa bag. Madami pa naman syang important notes doon.

"Dapat kasi iniwan mo na lang. Hmp! Sige na ingat. Bye!" at binabaan na ko.

"Haha parang notepad lang eh." singit ni Rio.

"Hayaan mo yon. Hindi lang nya maaayos ang mga paperworks nya now. Pero bukas okay na iyon."

Nandito na kami sa SamgyupBimbap. Kuya Jeremy was the one who introduced this restaurant to dad. And as the first son, pinagbigyan itayo. Isa ito sa mga naunang business nina daddy. Hindi ko lang alam bakit biglang humina ang sales nito.

I looked at the place. Okay naman. I parked my car at sinilip ang labas nito. Medyo madilim. May igaganda pa ito kung papalitan ang mga lights and interior. Bumaba na kami ni Rio. Sya naman ay busy sa pagkuha ng pictures. Mahilig kasi iyan sa photography.

"Hi good morning! Can I asked for your manager?" bati ko sa server na nagaayos pa lang ng tables.

"Yes ma'am." sandali pa ay tinawag nito ang hinahanap ko.

Tumambad sa akin ang isang lalaki. No! I can really smell he's gay. "Hello Ms! Welcome to SamgyupBimbap. I am Christian Dumalig, the manager. How may I help you?" formal ang pagkasabi nito. Pero confirmed!

"Hi I am Jemimah Rivera, daughter of the owner of this restaurant." I smiled. Pansin ko ang pagbabago sa anyo ng mga tao sa loob. Lahat ay napatingin sa akin at mangha akong pinasadahan ng sulyap mula ulo hanggang paa. "Anyway, I'm just here to visit and look for the possible rearrangements and profitable changes of this resto. Hmm I just want to know why it has the lowest sales in our portfolio."

Hindi naman nakasagot ang manager. Hinayaan lang ako sa pagsalita. Umikot ako at inisa isang tignan ang paligid. "I can see clearly that the interior was not as good as it is. I'll look for the best architect to renovate the style."

"Ahm Ms. Jemimah I appreciate your coming and that would be a big help for  SamgyupBimbap." malugod na tango ni Christian.

"Table for two!"

Napatingin ang lahat sa pumasok. Customer. Ang aga ah!

"Shux ang gwapo naman ng una nating customer."

"Welcome to SamgyupBimbap sir."

"Grabe busog na ako Pat."

Rinig ko ang bulungan ng ibang staffs. Some of girls are drooling around. Maging ang manager na kaharap ko ay tila natulala. Nilingon ko ang kanina pa nila tinitignan.

Tumambad sa harapan ko ang taong kinaiinisan ko!

"Good morning! Nauna pa pala sa akin ang date ko. My bad. Sorry." he smiled while looking at me.

Holy shit! Anong pinagsasabi nyan?

Yes tama kayo ng iniisip. It was Nick Santillan!

"Omg si ma'am Jemimah pala ang kasama nyang kumain. Bagay sila!"

"Kinikilig ako."

"May date na sya pero sobrang ganda ni ma'am for him."

Narinig ko pa ang ilang bulungan ng mga tao roon. Naginit ang pisngi ko. Naiinis ako!

Siniko ako ni Rio. "Girl di mo nabanggit may date ka pala!" she grinned.

What? Pati sya naniwala sa kalokohan nyan.

Tinarayan ko ang kaharap. "In your dreams!" at saka ako umalis doon.

Nagpunta ako sa restroom dahil inis na inis ako. Anong ginagawa nya rito? Ayaw ko nang makita ang pagmumukha nya! Tapos magpapakita pa sya? I patted my cheeks and composed myself. Lumabas ako ng cr and there I saw them laughing.

Lahat sila naroon sa isang mahabang table. Anong kalokohan ito?

Nakita ko si Christian na nakikipag-usap kay Nick. Naupo ako sa tabi nya at inagaw ang atensyon. "So Mr. Christian, let's continue our discussion earlier."

Hindi nya ako pinansin at nanatiling nakatitig kay Nick! What? Damn! Napalunok ako. How can he manage to be rude as this? Huh!

"Hey Christian, my love is talking to you. Mind if you talk to her first. Thank you." maagap na sagot ni Nick para hindi ako mapahiya. Well thanks to him on that part. But what did he just said? "Love?" Oh for pete's sake!

Nakuha naman ni Christian ang gusto nitong sabihin. Tumikhim sya at tumingin sa akin. "Sorry Ms. Jemimah. Ahm ano nga po yung sinasabi nyo?"

"Love? Ohh!" Rio smirked. I know what's on her mind right now.

Napairap ako sa paraan ng pagtawag ni Nick sa akin. Sino sya para tawagin akong Love? At akala pa ng mga tao sa loob ay boyfriend ko sya!

"Sir Nick wanted us to have a breakfast. His treat daw Ms. Jemimah. Lahat daw po ng tao dito."

What? Hindi ko na alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking iyon. Nahipan ata ng masamang elemento!

"I don't care." naiirita kong sabi.

"Pasensya na kayo, my love was not on the mood today" sabat ni Nick.

Seryoso punong puno na ako sa kanya! "Mr. Nick Santillan, can we talk?" at padabog akong tumayo palabas ng resto.

"Please excuse us!" huli kong dinig na sabi nya bago sumunod sa akin.

"Ano bang problema mo ha?!" pasigaw na sabi ko sa kanya. Inis na inis na ko.

He chuckled. "Hey love relax. I just want to see you. I thought I wouldn't be able to see you again. I also sent you a message pero seen mo lang."

Lumapit sya sa akin and whispered something. "I can't stop thinking about you since that night."

Kinilabutan ako sa binulong nya! I don't wanna see him anymore! Isang pagkakamali lang iyong nangyari sa amin na ayaw ko nang maalala kahit kailan!

I swallowed to gain courage. "Just stop. I already have a boyfriend and we're now engaged." pinakita ko sa kanya ang singsing ko. "So you better stay away from me!" Napansin ko naman ang pagkagulat at pagbago ng reaksyon nya.

"Layuan mo na ako! What happened to us will just remain in the past. You get it? It was just a one mistake! An accident! Kaya kung pwede, wag mong guluhin ang buhay ko!"

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon