Chapter 7

8 3 0
                                        

Jemimah POV:

"Just think of what I've told you."

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi nya. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast.

Actually, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari. Samantalang itong mokong na kaharap ko ngayon, ang dahilan ng pagkapuyat ko ay masigla at tuwang tuwa na nakikipagbiruan kanila mommy and daddy.

Napaka unfair naman! Bakit parang ang saya saya pa nya! Inirapan ko sya nang mapatingin sa akin. Ngumiti lang sya. Kitang kita ang mapuputi at pantay pantay nyang ngipin. Naiinis ako!

"Excited na ako mag beach ate Jem! Help me what swimsuit to wear. Ang dami ko kasing binili." saad ni Kat kaya't napalingon ako sa kanya.

"Oo sige! Ako rin excited na." sagot ko at nginitian sya.

Mukha namang nasa mood na si Kat ngayon. After namin kumain ay kinuha ko muna yung mini bag na dadalhin ko bago dumiretso sa room ni Kat. I already prepared my things for today since hindi talaga ako makatulog kagabi. I think 3AM na ata ako dinalaw ng antok.

Kumatok ako sa room ni Kat at nagulat ako nang makita kong nasa loob si Nick. Anong ginagawa nya rito?

Tumikhim ako bago nagsalita. "What are you doing here?" tinaasan ko sya ng kilay. Ngumiti naman sya.

"Ah ate Jem pinapunta ko dito si Nick kasi nasira yung zipper ng bag na gagamitin ko sana. That's why he let me borrow his bag." at saka tinuro yung bag na nasa kama.

"I don't have the guts to do some mess here Ms. Jemimah." sagot pa ng loko.

I rolled my eyes. "You can get out. Magaasikaso pa kami ng mga dadalhin ni Kat."

"Yes boss love."

What?

At saka ito tumakbo palabas.

Weirdo.

Boss? Love? Tsk.

"Ate Jem, nakakapagtaka na biglang gusto ka na agad ni Nick." nagulat naman ako nang magsalita si Kat.

I smirked. "Ewan ko ba sa kaibigan mo. Saan mo ba napulot 'yon at ako ang napagtripan." tinignan ko yung mga biniling swimwear ni Kat. Magaganda naman lahat.

"I met him at Los Angeles. Pina-attend ako ng trainer ko roon sa free expo nila for aspiring entrepreneurs. I'm the latest one na nakalabas ng convention so he gave me a notepad kaya since then, nahilig na ako sa notepad. He invited me to come to their dinner meeting and after non naging close na kami kasi we have a lot of similarities." mahabang kwento nya nang nakangiti.

"Random pala ano? Parang out of the blue lang." comment ko.

"Yeap. That was 2 years ago and until now we keep in touch. Check this out, bagay kaya sa akin?" pinakita nya iyong 1pc swimsuit na color tangerine.

Ngumiti ako and gave her a thumbs up. "Bagay sayo."

Okay na ang lahat. Naka robe si Kat underneath the swimsuit. Ako naman ay naka dress lang. Later na ako magpapalit.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon