Chapter 5

775 22 5
                                    



"Ate Grace, si Sierra po?" rinig kong tanong ni Rianne kay Mama mula sa labas ng kwarto namin.

Mabilis na sinuklay ko ang buhok at tinignan ang repleksyon sa salamin. Isinabit ko ang maliit na bag sa katawan at naglakad patungo sa pinto.

"Nagaayos pa sa loob. Baka patapos na iyon," sagot ni Mama kasabay nang pagbukas ko ng pinto.

Nilingon ko si Sierra na nakasuot ng isang fitted dress. Napangiwi ako. Paano siya makakapag-practice ng maayos sa suot niyang damit?

Ngayong araw ang dress rehearsal namin para sa folk dance. Sa isang kamay ay bitbit ko ang paperbag na naglalaman ng damit ko. I just wore a denim ripped jeans and white v neck shirt for today's practice.

Kumaway agad si Riane pagka-kita sa akin.

"Tara na!" aya niya.

Tumango ako st lumingon kay Mama na nagwawalis.

"Mama, alis na po kami," paalam ko.

Tahimik lang siyang tumingin sa akin at tumango. Nang bumalik siya sa pagwawalis ay naglakad na ako palapit kay Sierra.

Habang naglalakad kami patungo sa harap ng bahay nila kung saan naghihintay ang sasakyan nila ay panay ang kwento niya sa akin tungkol sa grade 12 student na pumuporma sakanya.

"Naku! Nakakairita talaga siya! Pagbawalan ba naman si Charles na lumapit sa akin dahil girlfriend niya daw ako? Kainis!" iritadong sambit niya.

"Ayaw mo ba sakanya?" natatawang tanong ko.

Pumasok kami sa loob ng sasakyan nila. Padabog niya pang inihagis ang bag sa loob dahil kakapasok lang ng text sakanya ni Rob.

"Ayaw ko! Basketball player iyon. Manloloko!"

Napatawa ako ng malakas sa puno ng hinanakit niyang boses. Rianne had a 'something' with a basketball player before. Then she found out that the guy was flirting with other girls too and his reason was hindi naman daw sila. Ang gago at ang babaw kaya 'di ko masisisi kung bakit ganito si Rianne ngayon. Though I doubt that all basketball players are like him. Nasa tao lang talaga iyon.

"May lahi ka bang keyboard? Type kasi kita," basa niya sa cellphone.

Muling sumabog ang tawa ko. That's one hell of a line!

Namula ang mukha ni Rianne. "Who sends this kind of text? Corny niya. The fuck?"

"Try to give him a chance. Mukha naman siyang mabait," I said while still slightly laughing.

"I don't have time for shits," she answered.

I looked at her teasingly and playfully nodded my head. She groaned and rolled her eyes on me. Sinalpak niya ang airpods sa magkabilang tenga para iwasan ang pangaasar ko.

Hindi ko alam kung saan eksakto ang bahay nila Mariz pero hindi gaanong nagtagal ang biyahe. Marami rami na rin ang mga kaklase kong nasa bakuran nila nang dumating kami ni Rianne.

Rianne scoffed dramatically beside me. Napatingin ako sakanya at kumunot ang noo.

"Bakit nandito si Bea? 'Di naman kasali sa folk dance 'yan ah?" tanong niya kahit na hindi ko rin naman alam ang sagot.

She really don't like Bea. Masyado daw itong maarte. I agree with her though. Ayaw ko din sa babaeng iyon. Isa siya sa mga babae sa room na panay ang parinig sa akin kahit hindi ko naman sila inaano.

Some girls are just so insecure. Instead of supporting other girls, sila pa mismo ang humihila pababa.

Nakita ko si Christian na kasama ang ilang kaibigan lalake. Derrick told him something and they both looked at us. Hinanap ng mata ko si Range pero wala pa siya. Late siguro.

The Taste Of Vengeance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon