Chapter 6

694 19 8
                                    



Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman. Inangat ko ang kumot na bumabalot sa aking katawan at pinaabot ito hanggang sa balikat ko. I reached for my phone and looked at the time.

"Ah, shit," bulong ko nang maramdaman na kumirot ang ulo ko.

I touched my forehead to see if I'm sick. Naramdaman ko agad ang init ng noo ko. My head feels heavy and my throat feels dry.

It's almost four am. Masyado pang maaga kung babangon ako para maligo. Besides, I feel so cold kaya magpapalipas muna ako ng oras at baka mawala ang sama ng pakiramdam ko.

Binalot ko ng maigi ang sarili sa kumot at hindi na namalayan ang muling pagbalik sa tulog.

Nagising na lang ako ulit sa marahang tapik sa aking pisngi. Gumalaw ako at dahan dahang idinilat ang aking mata. Naaninag ko si Mama na kunot noong nakatingin sa akin.

"Kanina pa tumutunog ang alarm ng cellphone mo. Mainit ka. Papasok ka ba?" tanong niya.

Muli kong hinawakan ang noo ko. Parang mas uminit lang ito. Naupo ako at agad naramdaman ang bigat ng pakiramdam.

"Uh..." Hindi ko alam ang isasagot.

Paano kung magkaroon kami ng quiz ngayon? Naga-announce naman ang mga teacher namin kung magpapa-quiz pero kung minsan ay may mga surprise quiz.

Tinignan ako ni Mama. "Huwag ka nang pumasok. Baka mas tumagal lang ang sakit mo. Magpahinga ka na lang muna at uminon ng gamot mamaya."

Tumango na lang ako. Sometimes, I wish to be always sick. Kapag ganon kasi ay nararamdaman ko ang pagaalala ni Mama sa akin. Back then when I was a child, she would stay up all night just to check on me.

"Ako na ang magsasabi kay Rianne na hindi ka papasok. Lumipat ka dito sa baba para makagalaw ka ng maayos," dagdag niya bago naglakad at lumabas ng aming kwarto.

Sinunod ko ang utos ni Mama. Ako ang natutulog sa itaas ng double deck kaya lumipat ako sa baba kung saan mas malawak ang space. Dinala ko ang kumot ko at ibinalot sa sarili paghiga.

Marahil dahil sa sama ng pakiramdam ay mabilis akong nakabalik sa tulog. I woke up again at around nine am. Umahon ako sa pagkakahiga at nakita ang pagkain sa maliit na mesa sa loob ng kwarto.

Tumayo ako at lumapit doon. I smiled bitterly as I look at the food. Tuwing may sakit lang ba ako magkakaroon ng pakiealam si Mama sa akin?

I shrugged away the thought. Magpasalamat na lang at inaasakiso ako ni Mama ngayon. Naupo ako at nagumpisa na sa pagkain.

Mama bought me a food from my favorite fast food restaurant. Burger steak ang binili niyang pagkain at mayroon din kasamang fries at burger. Hindi man ito ang kadalasang pagkain ng may sakit ay hindi ko mapigilan ang pagkatuwa dahil sa effort ni Mama.

Pagkatapos kumain ay ininom ko ang gamot na kasama ng pagkain binili. I went back to bed after and checked my phone. I saw three messages. One from Rianne and two from Range. Una kong binuksan ang kay Rianne dahil mas maaga ang text niya.

Rianne Marquez:
May sakit ka daw sabi ni Ate Grace?

Iyon ang tanong niya. Nagreply ako at sinabing nilalagnat ako. I opened Range's message after.

Range Legaspi:
Why are you absent? May sakit ka daw?

Sinunod kong buksan ang isa niya pang text.

Range Legaspi:
I included you in our morning prayers.

Natawa ako sa nabasa. Ang loko lang talaga. Akala mo naman ay kung anong sakit ko at talaga isinama pa ako sa dasal. I appreciate it though. Baka marinig ng Langit ang dasal niya at mawala agad ang sakit ko.

The Taste Of Vengeance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon