Chapter 15

760 23 7
                                    



Sumunod ako kila Rianne sa CR at naabutan silang palabas na. Pareho silang mukhang nagulat nang makita ako.

"Oh? Ano nangyari?"

I can't help but roll my eyes. Nakakainis!

Padabog akong pumasok sa CR at naghugas ng kamay. The two followed me. Itatali ko sana ang buhok pero wala akong dalang panali. Naalala ko tuloy ang panghihiram ni Dane ng panali kay Range.

Akin iyon e! Ugh! Ano ngayon ang gagamitin ko?

"Problema mo?" usisa ni Rianne.

Kate smiled teasingly. "Hmm..."

"Kainis," bulong ko ulit. "Pahiram nga ng panali?"

"Wala. Gamit namin pareho," at tinuro ni Rianne ang buhok nilang nakapusod. "Nasaan na provider mo ng panali?"

Parang uminit na naman ang ulo ko. At ni hindi pa nababanggit ang pangalan niya niyan ah!

"Wala. Hiniram noong kaklase niyo dati," sagot ko. "Kainis naman. Bwiset na buhok 'to. Sarap pakalbo."

Kate and Rianne laughed. "Hoy! Hala siya, nabaliw na!" natatawang saad ni Kate at lumapit sakin.

She combed my hair and put in on my right shoulder. Gininaw agad ang likod ko dahil nawala ang tanging tumatakip dito.

"Namumula ka oh." Tinuro ako ni Rianne.

"Malamang uminom."

Sa halip na mainis ay mukhang naaliw pa siya sa sagot ko. She smiled wickedly and opened her mouth. Alam ko na, sa ngiti pa lang niya, na hindi ako matutuwa sa sasabihin niya.

"Ganyan pala nagagawa sayo ng selos," she said and nodded to herself.

"Anong selos ka diyan?" kunot noong sagot ko.

Narinig ko ang hagikhik ni Kate. I don't wanna look at them so I just checked my reflection on the mirror.

"Kung bakit ba naman kasi hinayaan mo kay Dane. Halos 'di nga umalis si Range sa tabi mo, e. Ikaw kasi, patay na patay pa naman si Dane doon..."

"Kung totoo palang halos 'di siya umalis sa tabi ko, bakit nasa iba siya ngayon?"

"OMG!" Kate exclaimed.

"So nagseselos ka nga?" Rianne smirked evilly.

Ngumiwi ako at umiling. "I'm just saying that what you said isn't true," pagdadahilan ko.

Because first of all, why the hell would I get jealous?

"Hmm. Okay, sabi mo e. Tara na. Stop checking yourself. Maganda ka naman kahit anong gawin mo."

Hindi ko alam kung totoo iyon o inuuto lang ako ni Rianne pero sumunod na lang ako sa labas. Palapit pa lang ulit kami sa table ay nakita kong nasa tabi ng upuan ko si Range. Wala na sila Rob at Christian sa lamesa.

Ang tatlong sunod na upuan sakanya ay bakante. Instead of going to my seat, doon ako umupo sa tabi ni Isaac kung saan may dalawang upuan na nakapagitan sa amin ni Range. Mabuti naman at umupo sila Kate at Rianne sa dalawang katabi ko na bakanteng upuan dahil mukhang balak pa ata ni Range na lumipat.

"Sumuka ka?" Isaac asked playfully.

"What? 'Di ah!" sagot ko at tumawa.

He flashed me another playful smile and poured another drink. "Sige nga, kung talagang hindi, isang shot ka pa..." hamon niya.

Tumawa ako at lakas loob na tumango. Mukhang nagulat siya sa sagot ko at agad binawi ang baso nang akmang aabutin ko na ito.

"You're giving her another shot again? Hindi naman marunong uminom 'yan!" pakikisali na naman ni Range.

The Taste Of Vengeance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon