Chapter 17

548 19 0
                                    




I locked my phone after seeing what time it was. It is almost 11 pm and I still can't sleep. Sumagi sa isip ko ang rason kung bakit at kaagad nag-init ang mga pisngi ko. Bukas ay aalis kami ni Range. It's the "date" I promised him and I feel awkward just thinking that we will be going out tomorrow. Ito ang unang beses na lalabas kami na kaming dalawa lang kaya hindi ako mapakali.

I rolled to the other side dahil bigla ako nakaramdam ng kaba. I don't remember having any dull moments with Range but I am sure that I'll somehow get shy and feel awkward around him tomorrow.

Biglang tumunog ang cellphone ko at halos mapatili ako. I pulled my hair out of embarrassment. Kumalma ka nga, Sierra!

I opened my phone and my eyes widened when I saw who messaged me. Inalis ko ang kumot sa katawan at dumapa. Halos manginig pa ang kamay ko sa kaba nang buksan ko ang cellphone. I debated whether to read the message immediately or let myself calm down first. I figured I should let myself calm a bit so I inhaled a large amount of air before slowly exhaling. Pagkatapos ay pikit mata kong binuksan ang message ni Range.

Range Declan Legaspi:

Hey.

Iyon lang ang laman ng message niya kaya napakunot ang noo ko. Bigla ay napaisip din ako kung bakit gising pa din siya. The thought that he is nervous too about our date tomorrow crossed my mind but I shrugged it off. I don't think it's Range's first time going out with someone kaya imposibleng kinakabahan siya.

Sierra Ibañez:

What

He replied immediately after reading my reply.

Range Declan Legaspi:

Nothing

Range Declan Legaspi:

Why are you still awake?

I rolled my eyes because of his question. Siya din naman, ah?

Sierra Ibañez:

Bawal?

I typed in another message before he could reply.

Sierra Ibañez:

Ikaw din naman gising pa pero 'di ko tinanong bakit

Range Declan Legaspi:

Hahaha chill bakit galit ka agad

Sierra Ibañez:

You're so annoying.

I saw him typing pero nawala din ito. Then he started typing again pero nawala ulit, I locked my phone and put my arms on my forehead. Doon ko lang napansin na halos pigil na pala ang pag-hinga ko.

My phone beeped again. Agad kong binuksan ang message ni Range.

Range Declan Legaspi:

Yeah you're going out on a date tomorrow with this "annoying". Good night, Sierra. Tigilan mo na kakaisip sakin hindi ako makatulog eh.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng 'to. Pero naisip ko na totoo din naman ang sinabi niya. But still! Ugh! Hindi talaga matatapos ang araw na hindi ako inaasar ni Range!

Hindi na sana ako magre-reply sa kanya pero dahil gusto kong makaganti ay nagtipa ako ng bagong mensahe.

Sierra Ibañez:

Yuck. Ni hindi ka nga sumasagi sa isip ko. Maybe you should try telling that to yourself.

Akala ko ay hindi na siya magre-reply pero bago ko pa mapatay ang cellphone ko ay pumasok na ang reply niya.

The Taste Of Vengeance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon