Chapter 8

595 19 0
                                    



Range is acting weird. Lumingon ako sakanya nang humarap ang teacher namin si board para magsulat. I know he knows I'm looking at him but he didn't look back. Kunot noong deretso ang tingin niya sa teacher namin sa harap.

This is our last subject before lunch. Fifteen minutes na lang at matatapos na ang klase. Simula pa kanina ay hindi ako mapakali dahil sa inaakto ni Range. He's unbelievably quiet today and he's ignoring me since morning. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi magawa.

I stared at him for a few more seconds and just ended up sighing when he didn't even moved from his seat. Noong umalis siya sa bahay nila Rianne ay naramdaman ko nang may mali pero hindi ko naisip na aabot ang iyon hanggang ngayon.

"Tomorrow, we'll have an activity. By partner at para hindi na magulo, kung sinong katabi ninyo ang magiging partner niyo. I'll send the materials you'll need later," our teacher announced.

Nilingon ko si Range. "Partner tayo," I told him although I'm sure he knows. Syempre, ako lang naman ang katabi niya.

His lips was in a thin line as he nodded at me. Bumuntong hininga ako dahil hindi man lang siya lumingon.

"Galit ka ba?" mahinang tanong ko.

This time, he looked at me. Ginalaw niya ang leeg para lingunin ako. His forehead was creased and there was a slight scowl on his face. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyon o ano.

"No," tipid na sagot niya at umiwas muli ng tingin.

Sumasakit ang ulo ko sayo, Range. Gusto ko sanang sabihin pero tinikom ko ang bibig. Wala naman talaga dapat akong pakialam pero tingin ko kasi ay may kasalanan ako sakanya na hindi ko naman alam kung ano. Nagumpisa lang naman kasi siyang maging ganito pagtapos kong isubsob sa muka niya ang paper plate na puno ng whipped cream.

"Pero, uh... Okay ka lang?" dahan dahan kong tanong.

Maybe I'm just overthinking things. 'Di naman siguro siya ganon kababaw para magalit sa ginawa ko.

He looked take aback by my question. Lumamlam ang mata niya nang tumingin sa akin at dahan dahang tumango.

"Yeah..."

Sounds like a lie but if that's why he says then fine. Ayaw kong pilitin siya na magsalita gayung halata naman na ayaw niya.

Natapos ang klase namin iyon at nagsitayuan na ang mga kaklase ko para lumabas ng room pagalis ng teacher. I stood up and waited for Rianne to finish putting her things inside her bag. Napansin ko si Range na ipinahinga ang ulo sa desk ng upuan.

"Tara na," yaya ni Rianne.

Tumango ako at sumunod na sakanya. Christian noticed too that Range wasn't moving from his seat. Tinapik niya ito.

"Ano? Hangover, dude?" Tumawa siya.

Kumunot ang noo ni Range. "Hindi naman ako uminom."

"Daig ka ng kapatid mo. Tara na, lunch na."

Umiling si Range. Parehas kami ni Rianne na pinapanood sila. "May sakit ka ba?" tanong ni Rianne.

"Wala. Dito lang ako. Mag lunch na kayo," sagot ni Range.

"Dude! Magmumukha akong bakla kapag kasama ko sila. Ako lang ang lalake!"

"Napaka arte mo," Rianne commented.

Hindi siya pinansin ni Christian. "Tara na kasi," pamimilit niya.

Range just groaned and shoo him. Binalik nito ang pagkakahiga ng ulo sa mesa at hindi na pinansin si Christian.

The Taste Of Vengeance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon