"Sierra," nagising ako sa tawag ni Rianne sa akin.Unti unti kong minulat ang mata at bahagyang napapikit mulit nang masilaw sa liwanag. I looked at the clock on top of the bedside table and saw that it was just five in the morning. Bakit nakabukas ang ilaw?
Hindi ko sigurado kung anong oras na kami nakauwi kanina. Basta ang natatandaan ko lang ay dumating si Christian at Rianne nang mag walk out si Range. Si Christian ang naghatid sa amin dito sa condo. I didn't bother to ask why Range was also there.
"Sierra," nanginginig ang boses ni Rianne nang tawagin ako muli kaya naalarma ako.
When I looked at her, I saw the panic on her face kaya mabilis akong naupo sa kama. She was holding her phone in her hand.
"Rianne, bakit?"
Pagkatanong ko noon sa kanya ay nagsimulang magtubig ang mata niya kaya tuluyan na akong napabangon.
"Anong nangyari?" natataranta kong tanong.
She looked at me and opened her mouth pero mabilis din iyon tinikom. Tila hindi niya alam kung paano sasabihin sa akin ang gustong sabihin.
"Rianne, anong nangyari?" ulit ko.
"I'm sorry," sabi niya. "Your mom... Si Ate Grace," she paused again.
Nang marinig ang pangalan ni Mama ay nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Si Mama?" tanong ko.
Isa lang ang pumasok sa isip ko. Tuluyan nang umalis si Mama at iniwan ako. But when I heard Rianne's next words, tila nablangko ang utak ko.
"Sinugod daw sa ospital ang Mama mo."
I was stunned. May iba pang sinabi si Rianne pero wala na akong naintindihan pagkatapos marinig na sinugod sa ospital si Mama. Rianne raised her phone, saying something pero parang wala akong naririnig.
Nang yugyugin ako ni Sierra ay doon lang ako natauhan.
"Papunta na dito ang driver namin, mag-ayos ka na para makapunta tayo sa ospital," she instructed.
Wala sa sarili akong sumunod sa utos niya. Nagpatong lang ako ng jacket ang nagpalit ng leggings. Maya maya ay sinabi ni Rianne na nasa baba na ang driver nila. Wala akong ibang dala bukod sa sarili ko.
"What happened..." bulong ko nang makasakay kami sa sasakyan at nagkaroon ng lakas magsalita.
"I don't know. Nakita lang daw si Ate Grace sa kusina na walang malay," dahan dahan sabi ni Rianne.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "Fuck," I whispered. "Wala na bang magandang mangyayari sa buhay ko..." I kept my eyes shut sa takot na tumulo ang mga luha ko kapag binuksan ko ito.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe papuntang ospital. Basta nang makarating kami ay nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at naunang pumasok kahit hindi ko alam kung nasaan si Mama.
"Sierra, wait!"
Hinintay ko si Rianne at pinauna siya dahil siya ang may alam kung saang room dinala si Mama. Mayroon siyang kinausap na sa tingin ko ay nurse at umakyat kami sa second floor.
Nang makita ko ang parents ni Rianne sa labas ng isang kwarto ay alam ko na agad na nandoon si Mama. Mabilis akong naglakad palapit.
"Ano pong nangyari kay Mama?" tanong ko at napagtantong sa sobrang kaba ay nanginginig ang boses ko.
"Ang sabi ng doktor ay heart attack daw. I'm sorry, Sierra. Hindi namin alam na may sakit pala sa puso ang Mama mo."
Hindi ako nakapagsalita dahil kahit ako ay hindi iyon alam. I never saw Mama get sick or anything.
BINABASA MO ANG
The Taste Of Vengeance
Fiksi RemajaSavage Men Series #2: Range Declan Mula pagkabata ay naniniwala na si Sierra Tatiana na siya ay ipinanganak lamang sa mundo para malasin. She always believed that she was hopeless; that she'll forever be stuck in misery but Range Declan came into he...