Chapter 18

540 15 3
                                    



Time passed like a wind. Lahat kami ay naging busy sa pag aaral. It wasn't that hard but it's our first year on Senior High so we're all still adjusting. Ngayon ay kakatapos lang ng huling exam namin para sa first sem. Next week is our Christmas Party.

Today is a Friday. Kaming apat nila Range ay nasa lounge ng SHS Building dahil inaantay namin matapos si Kate. We're dismissed thirty minutes earlier than their section dahil puro specialized subjects ata ang natirang exam nila ngayon.

"What if bumagsak ako?" Range suddenly said. Magkatabi kami at sa kabilang upuan naman ay ang mag pinsan na si Rianne at Christian.

I thought of something positive to say because Range genuinely sounded worried.

"Sayo?" dugtong niya at tumawa.

Rianne heard what he said so she butted in. "Talagang babagsak ka kay Sierra kapag tinulak kita, Range. Napaka corny mo."

Christian laughed while Range threw a middle finger at him. Tumawa rin ako.

"Dude, best mo na ba 'yan?" gatong pa ni Christian.

"Shut up. Kapag pencil gamit sa exam, bawal magsalita," ganti ni Range.

Rianne's laugh boomed at the lounge. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang tawa. Yesterday, after our first exam ay pinagalitan si Christian dahil pencil ang ginamit nitong pang-sagot sa exam. Pinaulit tuloy sa kanya. Christian reasoned that it was better to use pencil because the subject was Business Math.

"Miss mo na elem, pre?" dagdag pa ni Range.

Umamba si Christian na susuntukin siya at nagtawanan sila.

Maya maya ay nagpaalam si Rianne na pupuntang C.R at si Christian naman ay titignan kung patapos na sila Kate kaya naiwan kaming dalawa ni Range. I moved a bit away from him dahil pinagtitinginan na naman kami ng mga dumadaan. Napansin ata iyon ni Range kaya hinawakan niya ako sa braso.

"Mabaho ba ako?" kunot noong tanong niya. Inamoy niya pa ang sarili.

Natawa ako at umiling. "Hindi," sagot ko.

"Bakit ka lumalayo?"

"Ang daming dumadaan. Baka may makakita pa sating teacher."

"Hindi naman tayo PDA. Ayaw mo nga pahawak kamay mo eh. Damot. Tss..."

"Wala ka bang sariling kamay?" Tumawa ako.

Itinaas niya ang kamay at pinakita sa akin. I laughed again when he intertwined both of his hands. "Ganyan ba? Holding hands ko sarili ko?" natatawang sagot niya rin.

"Date na tayo ulit, miss ko na hawakan kamay mo, e," he added.

Umiling ako sa sinabi niya. "Sus, e lagi ka nga pasimple humawak sa kamay ko. Kunyari hihilutin pero mamaya, mararamdaman ko na lang magka-hawak kamay na tayo."

He smirked boyishly and shook his head. "Grabe ka sakin, hinihilot ka naman talaga! Syempre napapagod din kamay ko kaya kailangan ipahinga."

"Edi 'wag mo akong hilutin para hindi mapagod!"

"Huh? Ayaw ko nga. Edi hindi ko nahawakan kamay mo?"

"Tignan mo!" I said and laughed. "So para paraan ka nga lang talaga para mahawakan kamay ko?"

"Holding hands lang naman! Syempre minsan kailangan ko din maramdaman lambing mo 'no!"

Mapupunit na ata ang labi ko kakangiti sa mga lumalabas sa bibig ni Range. I don't know if he's aware but he sounds so whipped with the words he's saying.

"At paano ko naman naging lambing 'yon eh ikaw yung humahawak sa kamay ko?" Nagtaas ako ng kilay sakanya.

He scratched the back of his head. "Basta."

The Taste Of Vengeance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon