Chapter 8

160 23 0
                                    

( Ariz P.O.V. )

Linggo ngayon, di pa rin ako maka-move on sa date namin kahapon ni Vhinz. Inaamin ko kinikilig Ako sa ginawa niya llo na yung paghalik niya sakin don sa ferris wheel. Di ko rin alam kung bakit ko naisipan na halikan siya kagabi, Basta gusto kong gawin yon

Nag hahanda ako ngayon, may check-up ako, dapat kahapon to kaso biglang pumunta si Vhinz dito sa bahay.

"Anak tara na?" Tanong sakin ni mama

Nakita ko siyang pumasok sa kuwarto ko.

"Alam ba ni Vhinz?" Tanong sakin ni mama Alam ko ang ibigsabihin niya

"Hindi ma, at wala akong balak na ipa-alam sa kanya" Hindi rin naman kami magtatagal

"Okay, Tara na?" Lumabas na si mama ng kuwarto at sumakay sa kotse ni mama

Nakarating kami sa hospital at agad na pumunta sa doctor ko

"Good after Ms and Mrs Ching" Sabi samin ng doctor nginitian na lang namin siya ni mama

"So kamusta na Ariz, madalas bang sumasakit?" Tanong sakin ng doctor

"Minsan minsan na lang po doc. Di po Kagaya nung dati, dahil po siguro sa gamot" Sabi ko sa doctor.

"Oh well, lumabas na pala yung result ng test ni Ariz. Wag sana kayong magugulat, lumalala na to, kailangan mo na ng surgery Ariz" Sabi sakin ng doctor ko

"Ayoko po doc" sagot ko, alam na alam naman nila ang lagi kong sinasagot tuwing tinatanong nila ako about sa surgery na yan

Kung mamatay ako mamatay ako.

"Kung yan ang gusto mo, just maintain na lang ng gamot Ariz. Bawas bawasan ang pagkilos mo ah" pagpapaalala sakin ng doctor

Tumango na lang Ako

|

Natapos ang pag papa-check up ko , pumunta Ako sa mall dahil aalis kami nila Yuri. Gusto ko munang kalimutan lahat ng narinig ko kanina ayoko ng negative ngayon

Nakita ko si Krystal na papalapit dito sa Starbucks. Kinawayan ko siya at lumapit siya sa pwesto ko

"Ano sabi ng doctor?" Tanong niya

"Lumalala na daw" deretsong Sabi ko

"Mag undergo ka na kaya ng surgery Ariz, it's for your own good din naman" Sabi niya

"Ayoko, Kung mamatay ako mamatay ako" Sabi ko sa kanya

Nakita ko naman na magkasama si Yuri at Summer papasok dito sa Starbucks. Nakita nila agad kami at umupo na sila

"Kamusta check up?" Tanong ni summer

"Eto lumalala na" Sabi ko

"Mag-surgery ka na kasi" Sabi ni Yuri

"Ayoko nga, mamatay ako mamatay ako" Sabi ko

"So anong plano mo?" Tanong ni summer

"Eto hihintayin ko na lang na tumigil ang pagtibok" Lumaki naman ang Mata nilang tatlo

"Don't say that" Sabi ni Yuri at mahinang sinuntok ang balikat ko

"Tara na nga mag shopping na lang tayo" suggest ni Krystal

"By the way girl may nakita akong post ni Vhinz sa Instagram?, Nag date pala kayo ha" Sabi sakin ni Summer

"Oo kahapon, pumunta kami amusement park" sabi ko

The Game Between Us (Finished) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon