Vhinz P.O.V.
Nandito Ako sa University, excited na akong makita si Ariz. Pagkapark ko ng kotse ko lumabas agad Ako. Gustong gusto ko na talaga siya makita.
Hindi niya kasi sinasagot yung mga tawag ko sakanya. Pumasok agad Ako sa Class ko, wala pa si Ariz, baka naman malalate..Hanggang sa matapos ang 1st subject ko, wala akong nakitang Ariz.
[LUNCH BREAK]
Hindi ko pa rin makita si Ariz, baka absent?. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko, napapansin ko rin na parang iwas sakin sila Krystal. May nagawa ba ko?, Hindi naman akong nang babae ah?.
"Oh, Vhinz nandito ka na pala" Sabi ni Kevin, at umupo silang tatlo sa tabi ko
"Nakita niyo ba si Ariz?" Tanong ko sakanila
"Hindi eh" nag kibit balikat si Troy
"Baka naman hindi papasok" Sabi ni Terence
"That's weird, ngayon lang siya umabsent this year" Sabi ni Kevin
"Oo nga eh, she's running for honor kaya ayaw niyang umabsent" Sabi ko sakanila, tumango naman sila
"Baka naman papasok pa yun, late ganun" Sabi ni Troy
"Teka, bakit nga pala ganun ang mga reaction niyo kahapon nung makita niyo yung dalawang yun?" Tanong ko sakanila
"Ah sila Hailey at Cydney?" Sabi ni Terence, ah sila pala yun
"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ko sakanila
"Si Hailey kasi dating bestfriend nila Ariz, at si Cydney ang first love niya. Crush na crush ni Ariz si Cydney, kaso nalaman na lang ni Ariz na ginamit lang siya ni Cydney, at si Hailey naman sumama kay Cydney sa US. Mag jowa pala Sila at ginamit lang nila si Ariz" Sabi ni Kevin.
"Dapat pala binugbog ko na yung lalaking 'yon" Sabi ko
"Don't tell to Ariz na kinuwento namin, magagit yon" Sabi ni Troy
[DISMISSAL TIME]
Natapos ang buong klase ko, hindi ko pa rin nakikita si Ariz. Pumunta ako sa Classroom nila Krystal dahil for sure naman alam nila kung nasaan si Ariz
Tumakbo ako papunta sa classroom nila
"Girls!" Sabi ko, napatingin naman sila sakin
"Oh Vhinz" Sabi ni Summer
"Alam niyo ba kung bakit hindi pumasok si Ariz?" Tanong ko sakanila
Nakita ko naman na nagka-titigan sila
"Ah...Hindi eh" Sabi ni Yuri.
"Absent kasi siya buong maghapon, Hindi ko rin siya ma-contact, Walang rin sumasagot sa bahay nila" Sabi ko sakanila
"Baka absent lang, or busy ganun, bigla bigla kasing umaalis yon pag busy" Sabi ni Krystal
"Ganun ba?, Pakisabi naman na magsabi siya agad pag aalis siya" Sabi ko sakanila at umalis na
Pumunta agad ako sa parking lot , bakit kaya hindi siya pumasok?, I tried to call her many times pero wala pa ring sumasagot, kahit sa Bahay nila.
Yuri P.O.V.
Muntik na kami don ah, buti na lang hindi siya nagtanong ng marami. Iniiwasan talaga namin si Vhinz kasi baka magtanong siya kung nasaan or kung anong ginagawa ni Ariz.
"Muntik na yon" Sabi ko
"Oo nga eh" Sabi ni Summer
"Kung kaylan dismissal tsaka natin siya nasalubong" Sabi ni Krystal, sabay sabay na kami ng classroom
"Kasi bakit ba ayaw pa sabihin ni Ariz kay Vhinz yung totoo" na-iistress na sabi ni Summer
"Alam naman natin ang rason niya diba, Kaya nga hindi niya pa tinitigil ang game" Sabi ko
"Alam naman natin na mahal na mahal ni Ariz si Vhinz. Kaya mas gusto niya na magagalit sakanya si Vhinz, kesa malaman ni Vhinz na may sakit si Ariz" Sabi ni Krystal
Pumunta kami sa hospital para bisitahin si Ariz. Ganun pa rin ang katawan niya, maputla pa rin siya
"Kamusta na siya kuya Mikael?" Tanong ni Krystal kay kuya Mikael
"Sabi ng doctor ganun pa rin daw ang kondisyon niya" Sabi ni kuya Mikael
"Nakita niya si Cy--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong siniko ni Krystal
Tumingin Ako sakanya, sumenyas siya at Umiling
"Ano?, Sinong nakita niya?" Tanong sakin ni Kuya Mikael
"Ah... Wala kuya.." yumuko Ako, binaliwala naman yun ni Kuya Mikael
Sus muntik na yon...
~
-Get ready for the next chapter, ready niyo na rin tissue or panyo niyo...
BINABASA MO ANG
The Game Between Us (Finished)
Teen FictionWhat if the world of Maldita Princess and Playboy Prince will meet? A game who will start to prove who is the real winner. The game between the maldita princess and playboy prince Who will win and who will lose? Start : June 7, 2020 End : June 28...