(Vhinz P.O.V.)
[Monday]
Nag hahanda ako ngayon para pumasok, excited na kong makita siya...
Umuwi na si ate cassandra sa London para mag-trabaho na.
Wala na ang game samin, hulog na hulog na kasi ako sakanya.
|
Habang nasa daan Ako, napadaan Ako sa subdivision nila Ariz, naisipan ko na rin siyang puntahan at sunduin
Nasa tapat Ako ng bahay nila, nagdoorbell na ako
Nakita ko naman yung isang security guard na pumunta sa gate nila
"Sino po sila?" Tanong sakin nung guard
"Saan po si Ariz?, Paki sabi po nandito si Vhinz" Tanong ko sa guard. Kumunot naman ang noo niya
Pumasok naman yung guard sa Bahay nila. Nakatayo lang ako dito sa gate.
"Anong ginagawa mo dito?" Humarap Ako sa gate nila. Nakita ko si Ariz na mukang bagong gising
"Suduun kita" deretsong sabi ko sakanya
"Ang aga aga pa jusko naman" inis na sabi niya at inirapan Ako, kahit kailan talaga ang taray neto.
"Pumasok ka nga muna, ang aga aga pa, maliligo pa Ako" Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod ako sakanya.
Hindi ko nakita ang kuya niya dito sa sala, naiilang Ako dahil halos lahat ng maid nila nakatingin sakin
"Dito ka muna ha, maliligo lang Ako" Sabi ni Ariz at iniwan ako sa living room nila, nakita ko naman siyang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto niya
"Sir ano pong gusto niyo?" Tanong sakin ng isang maid nila.
"Tubig na lang po" sagot ko, tumango naman ang katulong nila at bumalik sa sala para kunin ang tubig
Nilibot ko muna ang sarili ko dito sa sala.
Marami akong nakitang naka-frame na certificate at puro pangalan ni Ariz yon, may isang frame din dito na puro medal, nakita ko yung isang mahabang table, puno iyon ng pictures ni Ariz, mula nung bata siya hanggang sa tumanda siya.
"Sir eto na po yung tubig" inilapag naman ng maid nila yung tubig sa table.
|
Nakita ko naman si Ariz na pababa na sa hagdan. Inabot Ako ng thirty minutes para mag hintay.
"Buti naman naisipan mong bumaba madam" pang-aasar ko na sabi sakanya, inirapan naman niya ako at naunang lumakad.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse ko.
Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger seat.
Umikot Ako para pumunta sa driver seat
Nakita ko naman na wala siyang seat belt, lumapit Ako sakanya para ikabit ang seat belt niya, naiilang siya sakin... Hindi ko alam pero may nag tulak sakin na halikan siya sa pisngi.
"Hoy ang aga aga ha!" Sigaw niya sakin at hinampas Ako sa balikat. Tinawanan ko na lang siya at nag drive na.
Tahimik kami habang nasa daan papuntang school, fifteen minutes ang byahe papuntang school, 8:30am ang class namin at 7:45am pa lang.
Tumingin ako kay Ariz. Nakita kong nakatulog siya, hinayaan ko na lang siyang matulog.
|
Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Tulog na tulog pa rin si Ariz at nag hihilik.
(Ariz P.O.V.)
BINABASA MO ANG
The Game Between Us (Finished)
Teen FictionWhat if the world of Maldita Princess and Playboy Prince will meet? A game who will start to prove who is the real winner. The game between the maldita princess and playboy prince Who will win and who will lose? Start : June 7, 2020 End : June 28...