Ariz P.O.V.
NAgbigay na ng letter si Mommy sa school na aabsend muna ako para pumunta sa New York, at gawin ang surgery. Masaya ako ngayon dahil kasama ko si Vhinz, sasama daw siya saakin sa New York
Nandito ang buong tropa, sasama daw sila sa airport, Sila Mommy at Daddy naman susunod daw dahil nagkaroon ng malaking problema sa company, gusto man nila akong samahan, kaso sobrang daming problema sa company,
Kaya ang kasama ko lang na pupunta sa New York ay si Kuya at Vhinz
"Ariz mag ingat ka don ha" Sabi ni Krystal, para ko naman siyang nanay
"Hoy Vhinz, wag mong bibigyan ng sakit ng ulo yung kaibigan namin ha" Sabi ni Yuri, ngumiti naman sakan'ya si Vhinz
"Ariz mami-miss kita" bigla akong niyakap ni Summer, kahit kailan talaga 'to, sobrang sweet
"Hoy ang daya, kami din" Sabi ni Yuri
Narinig ko naman na umiiyak si Summer
"Hoy Summer diba sabi ko walang iiyak" natatawa kong sabi sakan'ya
"Masyadong nadala eh" Sabi ni Troy, umirap naman sakan'ya si Summer
"Hoy guys, ipinagkakatiwala ko na muna yung club sa inyo, dapat pagka-balik ko dito maayos pa rin yung club ha" bilin ko sakanila
"Don't worry Ariz, kaming bahala" Sabi ni Troy at umakbay kay Yuri, binatukan naman siya ni Yuri
"Tara na, mala-late na tayo sa Flight natin" Sabi ni kuya
|
New York Medical Hospital
After naming magpahinga, pumunta na agad kami sa hospital. May mga test pa daw na gagawin bago ang surgery.
"Vhinz ikaw muna ang bahala ah, I just need to do something" Sabi ni kuya
"Sigi Mikael" Sabi ni Vhinz
Lumabas naman si Kuya Mikael
"Ang boring naman dito" sabi ko kay Vhinz
"Hayaan mo na, nandito naman ako para aliwin ka" Sabi saakin ni Vhinz
"Bumabanat ka ba?" Tanong ko
"Bakit?, Tumatalab ba?" Tanong niya sakin
"Sus, Hindi" Sabi ko sakanya at inirapan siya
Hindi naman Ako katulad ng iba na maraming nakakabit sa katawan, para lang akong nakahiga dito.
"Ariz, Ilan gusto mong maging Anak in future?" Tanong niya saakin, nagulat Ako sa tanong niya, grabe ha
"Huh?"
"Ilan kako gusto mong maging Anak?" Pag-uulit niya
"Tatlo, gusto ko dalawang boy tapos isang girl, gusto ko rin yung bunso yung Babae, Pero okay lang kung ano yung ibibigay saakin" sabi ko sakanya
"Ikaw, Ilan ba ang gusto mo maging Anak?" Tanong ko sakanya
"Kung ikaw naman ang magiging Asawa ko, pwede na yung isang dosena" Sabi niya sakin, inirapan ko naman siya
"Seryoso Ako!" Sigaw ko sakanya
"Seryoso din Ako" Sabi niya saakin
Bahala siya diyaan, nag taklob na Ako ng kumot. Siguro matutulog na lang ako kesa makinig sa sira-ulong 'to
BINABASA MO ANG
The Game Between Us (Finished)
Teen FictionWhat if the world of Maldita Princess and Playboy Prince will meet? A game who will start to prove who is the real winner. The game between the maldita princess and playboy prince Who will win and who will lose? Start : June 7, 2020 End : June 28...