Chapter 13

140 17 0
                                    

( Ariz P.O.V. )

Ngayong araw ang performance namin para sa musical play

Ariz eto na yon,kailangan maging perfect to

Nasa dressing room pa ko at nag aayos ng sosootin ko, nakapaglagay na rin ako ng make up.

"Ariz ready ka na ba?" Biglang pumsok dito sa dressing room si Ate Cassandra

"Ready na po ako" Sabi ko, ngumiti siya sakin

"Okay, fifteen minutes na lang mag i-start na" ngumiti siya ulit saakin at lumabas na ng dressing room.

Sinoot ko na ang high heels ko

Lalabas na sana ako ng biglang pumasok si Vhinz sa Dressing room ko

"Ang ganda naman ng girlfriend ko" Sabi niya sakin

"Anong girlfriend?, Hindi pa kita sinasagot diba?" Sabi ko sa kanya

Tumango siya sakin

"Don din naman punta nun eh" sabi niya

Inalok niya saakin ang kamay niya

"Tara na?" Tinanggap ko naman ang kamay niya

Sabay kaming pumunta sa backstage

Nakita ko naman napapakagat ng labi si Vhinz

"Okay ka lang?" Tanong ko, humarap siya sakin

"Actually, Eto ang first play na gagawin ko at ako pa talaga ang male lead kaya medjo kinakabahan Ako" Sabi niya sakin

"Okay lang yan, don't worry kaya mo yan, ikaw pa" Sabi ko sa kanya

"Ganito na lang, pag hindi ako magkamali at maging successful ang play natin sasagutin mo na ko" Sabi ni Vhinz

Hindi ko maiwasang kilig... Bakit ako kinikilig?

"Huh? Wait lang.. depende" sabi ko

Actually, may balak na talaga akong sagutin siya

"Nag b-blush ka ba?" Tanong sakin ni Vhinz. Nahalata niya na

"Huh?, Hindi ha, blush on yan" pag dedeny ko

"Aysus wag ka na mag deny" Sabi ni Vhinz

"Umayos ka nga" Sabi ko sa kanya

"In one condition" Sabi niya, huh?

"Ano naman yon?" Tanong ko

"Goodluck Kiss" ngumuso siya sa harap ko

"Kiss mo saptos ko, umayos ka nga" Sabi ko sa kanya

Biglang lumapit samin si ate cassandra dito sa backstage

"Five minutes na lang mag s-start na" Sabi ni ate cassandra. Tumango na lang kami

"Let's all welcome. Our first performers. Detected by Miss Cassandra Milendez"

Sabay kaming lumabas ni Vhinz dahil ayun ang hudyat na simula na ang play namin

( Play ; Pag-ibig na kaya )

(Ariz)

'Di na maalala, pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko
T'wing ikaw ay kasama

(Vhinz)

Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala
'Di ko malaman ang sasabihin ko

The Game Between Us (Finished) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon