ZEN
Alas-otso na ng gabi. I'm already done changing in my pajamas. Nakaupo ako sa kama ko habang nagbabasa ng isang libro pero natigilan ako sa ingay na nagmumula sa labas ng bintana ko.
"Lola..." Someone is whispering outside my window. Wala sa sariling napatakip sa mukha ko ang librong hawak ko. Rozend is calling outside my window and he's trying so hard to call in a controlled quiet voice to avoid catching anyone's attention except mine.
"Lola?" Someone tapped outside my window. "Zen? Paris? Paris Zen?" pangungulit niya. I hate to admit it but he has a beautiful deep voice. "Stargazing? Nakalimutan mo ba?" He lightly taps on my window.
Bakit kasi hindi na lang siya nagtext? Isinara ko ang librong hawak ko at ibinaba sa kama. Wala sa sariling tumayo ako at binuksan ang bintana ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil tumambad agad ang gwapong mukha niya sa harap ko. Lumapad ang ngiti niya nang makita ako. Napansin ko ang hindi masyadong malalim na biloy sa kanyang kanang pisngi. No one would notice it unless you pay attention on his face. He's insufferable. Nakatungtong siya sa bubong ng bahay namin. Tumawid siya mula silid niya, dumaan sa punong mangga hanggang sa bintana ng silid ko.
He's doing what Elaine did when she was still alive. It's kind of nostalgic.
Iwinagayway ni Rozend ang kamay niya sa harap ng mukha ko dahil bahagya akong natulala sa kanya. Naiinis na hinampas ko ang kamay niya. He grimaced in pain but I know he's just acting. Hindi naman malakas ang paghampas ko sa kamay niya.
"You said we'll trace the constellations," he said with a pout.
"Bakit? Na-satisfy ba ako sa prose na ginawa mo tungkol sa universe?" nakaangat ang kilay na tanong ko. I'm actually satisfied. I just want to tease him a little.
He looks at me with puppy eyes and a cute pout, as if he's pleading to just let it go. Siniringan ko siya. Why is he acting so cute? Nakakainis.
"Oo na! Lalabas na ako!" Agad nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. He's grinning with excitement. Tinulungan niya akong umakyat palabas sa bintana. Hinawakan ko ang sanga ng punong mangga habang tumatawid papunta sa sangang maaari naming upuan. Nang makaupo ako sa sanga ng puno, tumabi siya sa 'kin.
I let out a small smile when I look up in the starry night sky. It's been a while since I went out of my room for stargazing. The sky is clear and since there's no light pollution in our town, I can clearly see the bright stars.
When I turned to Rozend, I noticed that his caramel eyes are as bright as the stars too. May naalala akong itanong kaya ako na ang unang nagbukas ng usapan.
"Bakit pala kayo lumipat sa lugar na 'to? Binili na ba ninyo ang bahay nina Elaine?" tanong ko.
His bright eyes suddenly become distant. I'm not sure why but my question maybe triggered a sad memory in him. Pero panandalian lang 'yon dahil muli siyang ngumiti at nang-aasar na tumingin sa 'kin.
"Uy... Interesado si Lola," pang-aasar niya.
I rolled my eyes at him. Medyo nag-aalala ako na baka nalungkot siya sa tanong ko pero hindi naman pala.
"Huwag na nga. I-trace mo na yang constellation na 'yan para makatulog na ako," inis na saad ko at bumaling na ang tingin sa kalangitan.
I just feel guilty that I don't know anything about him while he knows the reason why I became like this today.
"We're renting the house," he suddenly said in a serious tone. "Kakilala ni Papa ang mga magulang ni Elaine. And we're looking for a peaceful place to live in... where no one knows us. Away from the smoke and pollution because it's not good for me."
BINABASA MO ANG
The Universe and Beyond
Genç KurguA girl who dreams to be a painter, suffering from grief and loss due to her best friend's sudden death and unable to move on. A boy made of light and art, her new neighbor. The bonsai tree full of her thoughts, despair, poetry and arts. (June 06, 20...