18

229 6 1
                                    

CHAPTER 53

(PLAY BIGBANG'S "LET'S NOT FALL IN LOVE")

L I S A

Bumibilis ang tibok ng puso ko, napakamot ako sa aking batok. Nakaupo kami ngayong apat sa iisang lamesa. Palabas na sana ako kanina nang mag-aya 'yung mokong dito ng 'small talk' kuno. Ito namang kasama ko, hinatak na lang ako bigla. Gusto kong mainis, kaso talagang nakakatawa kung paanong ang nerd noon ay naging ganito na ngayon.

"So Lisa, what do you do for a living now?" Itinaas ko ang tingin ko na noo'y nasa lamesa lang. Nakataas pa ang kilay ng bwiset na 'to.

Kanina pa kami awkward dito, buti na lang binasag niya ang katahimikan.

Good for him.

I challenged his stares, napansin kong napatingin sa amin yung dalawang babae marahil ay dahil sa init na nabubuo ng tinginan namin.

Suzy faked a cough.

"Lisa here is now a sociology professor, she's doing well actually." she proudly added while slightly nudging me. Napatingin naman ako sa kanya, kumindat lang siya sa akin as if telling me she saved the moment.

Tumango-tango naman ang mokong na para bang nang-aasar. My gaze fell towards a certain brunette beside him na kanina pa irap ng irap sa akin.

'Ano na naman bang ginawa ko?'

"So Mr. Kim, how's your business doing these days?" Ngumiti naman si Kai sabay hawak sa kanang kamay ng 'asawa' niya daw na nasa gilid lamang ng kaliwa niyang kamay. Inilayo ko ang tingin ko kay Jennie at tumingin na lamang sa labas. Wala rin naman akong pakialam sa sasabihin ng lalaking 'to, eh.

Saka isa pa, masakit silang tignan dalawa. Hindi ko pa rin kayang tanggapin at wala akong balak tanggapin. Kaya sa halip na saktan ko ang sarili ko, susubukan ko na lang iwasan yung sakit.

Though that is impossible.

Tinignan ko na lang ang mga dumadaan sa labas. May mga nakapayong, may mga tumatakbo sa gitna ng ulan habang tinatakluban ng kung ano yung mga ulo nila. Mayroon namang mga taong naghahabulan.

I internally smiled.

Sa tapat naman ng kaharap na coffee shop, may matandang lalaking marahil ay namamalimos. I noticed his broken shoes were soaked with water. Nakasandal siya sa salaming harang ng tv store na nagsisilbing panandaliang tahanan niya. Dumadaan lang ang mga tao sa kanya.

Of course, everyone was trying to save themselves from the rain, who would even blame them?

I heaved a deep sigh.

It is impossible to have a perfect society simply because humans are not perfect. Hindi lahat ng bagay ay mayroon ang bawat isa. Halimbawa na lang, ang matandang ito na namamalimos, wala siyang sapat na pera at trabaho. Ano ang gagawin niya para mabuhay knowing for a fact that elderly people weren't given the fair chance to work?

O yung mga taong nagmamadaling makahanap ng masisilungan kaya't tumatakbo sa kalagitnaan ng ulan habang takip ang kanilang mga ulo, dahil wala silang payong?

Sa totoo lang, you cannot blame people kung hindi nila tulungan ang iba.

'Because life is the result of pattern of choices'

Hindi mo pwedeng sisihin ang ibang tao kung bakit ka malungkot. Hawak ba nila ang sarili mong desisyon? In reality, choices can either be good or bad, good or good or both choices will result to negative consequences. However, they can still be called a choice.

I was so lost in my own creation of thoughts when a kick from under the table cut me off. Napatingin ako sa katabi kong sinipa ako sa ilalim ng upuan. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang paghalik ni Jennie sa pisngi ni Kai. Mukang nagpalit na sila ng pinag-uusapan habang busy ako sa pag-iisip. Tila ba may karayom na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko dahil doon.

WOULD YOU REMEMBER ME II (JENLISA)Where stories live. Discover now