Pagkatapos ng unang klase, nagkakilala na sina Simeon at Lilay. Doon, ay may kasamang kaibigan na nakatingin sa dalawa. Sinabi ni Lilay: "Simeon, crush na crush kita!", at doon nagsigawan sa kilig ang mga kaibigan. Si Simeon ay biglang nakilig din, ngunit napa-isip siya na ito ang naging unang hadlang sa kanyang pangarap: ang tumugon sa tawag ng Diyos.
Pag-alis ni Simeon, hindi niya alam na kasunod na pala niya si Lilay sa kanyang pag-alis. Nagsigawan sa kilig ang mga kaklase. Nagbuntong-hininga siya sa nangyari.
Pagsakay niya sa kotse ng kanyang ama, ikinuwento niya ang mga nangyari. Noong nalaman ito ng mga magulang, hindi sila nagalit, ngunit natuwa sila sa kalagayan ng anak. Ganoon din ang nangyari kay Lilay.
Noong gabing iyon, nandoon ang kanyang titong pari na si Fr. Lorenzo S. Briones, ang chancellor ng Diyosesis ng Canlubang, ang diyosesis na kinabibilangan nina Simeon at Lilay. Pumasok si Fr. Tito (tawag kay Fr. Lorenzo) sa kuwarto ni Simeon, at nabigla si Simeon dahil hindi niya alam kung bakit siya pumunta.
Ang dahilan nito ay pagsusuri kay Simeon sa kanyang buhay pag-ibig.
BINABASA MO ANG
In a Relationship: Isang Kwento ng Hadlang na Pag-ibig
RomanceIto ay isang maikling kwento ng pag-iibigan ng dalawang estudyanteng sina Simeon at Lilay. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay hango sa totoong buhay. Dito nakasalalay ang tunay na aral ng kwentong ito: "Love conquers all", ito ay magiging susi...