Noong misa sa isang kasal, napiling homilist si Simeon at abala siya sa paghahanda. Hindi niya akalain na si Lilay ay nandoon rin sa kasal.
Noong nagsimulang maghomiliya si Simeon, ito ang nasabi:
Mga kapatid kay Kristo,
Ngayon ay ginaganap ang isang yugto sa tunay na pag-ibig, ang kasal. Ito ay isang uri ng pag-iibigan kung saan ay isinusumpa sa Diyos ang pagmamahalan ng lalaki at babae upang sila ay mag-isang dibdib. Sa ebanghelyo na ating marinig, manatili sa pag-ibig.
Define love. Para sa akin, ito ay ang nararamdaman ng isang tao na may halong kilig at tuwa. Mayroong apat na uri nito: ang love of God, love of others, love of self at erotic love.
Love of God- Ito ang pinakamataas na uri ng pag-ibig. Ito ay ang pagiging maka-Diyos sa atin.
Love of Others- Ito ang pagrespeto sa ating mga nakatatanda, nasa pamahalaan, at ating mga kaibiga.
Love of Self- Ito ang pagmamahal sa ating sarili, sa ating mga gawain at ating mga kailangan.
Erotic Love- Ito ang pinaka-common sa ating lahat, maging sa kasal na ito. ito ay ang pagiging involve sa lovelife.
Kung susumahin, iisa lamang ang gustong iparating sa ikakasal, ang mag-ibigan ayon sa tamang gawi.
Ano ang hamon sa ating lahat? Ito ang magmahalan tayo upang maging mapagmahal tayo sa Diyos. Sa papaanong paraan naman?
Una, sa pakikisuyo sa mahal natin. Ikalawa, sa pagsagot ng mga tanong. At ikatlo, ang ipakita ang tunay na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
In a Relationship: Isang Kwento ng Hadlang na Pag-ibig
RomanceIto ay isang maikling kwento ng pag-iibigan ng dalawang estudyanteng sina Simeon at Lilay. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay hango sa totoong buhay. Dito nakasalalay ang tunay na aral ng kwentong ito: "Love conquers all", ito ay magiging susi...