Chapter 3: Ang Pagsusuri

1.3K 2 0
                                    

Nagsimula na ang pagsusuri kay Simeon. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa, at sumagot si Fr. Tito: "Kung gayon, ito ang payo ko sa iyo: maging mapagmahal ka dahil ito ay hindi balakid o problema, kundi ito ay isang pagpapala ng Diyos sa iyo." Tanong ni Simeon: "Papaano po ito kung wala akong gusto sa kanya?" 

Sagot ni Fr. Tito:"Huwag kang mangamba, dahil balang araw magiging gusto ka niya at magugustuhan mo rin siya."

Pagkatapos nito, nag-usisa siya ng sarili, at nadamdam ang kanyang sinapit nilang dalawa.

Sabay sulat sa diary, ganito ang nakasulat:

Dear Diary,

Alam ko na ikaw ang nakakaintindi nito, pero mayroon na daw akong "crush" na si Lilay, kaklase ko pa naman, e magandang babae iyon at laging sumusunod sa akin. Hindi ko kayang ipaliwanag ang mga nangyari dahil masyadong kiligan ito , kung minsa'y kinikindatan pa niya ako at ginagawa ko rin sa kanya (dito magsisigawan ng kilig) nang 'di namin alam kung ano ang nangyari.

Tulungan mo ako dito, kung hindi ay maaring ikapahamak ko pa iyong mangyayari.

Ang iyong kaibigan, Simeon.


Nakatulog siya at napaginipan ang mga pangyayari sa kasunod nito.

In a Relationship: Isang Kwento ng Hadlang na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon