December 8, parang isa itong ordinaryong araw sa kanila. Pero, hindi nila alam na paparating ang isang VIP, ang obispo ng Canlubang, si Bp. Renato S. Benitez, DD.
Nagulat si Simeon sa biglaang pagdating ng obispo. Sabay, MC pa naman siya sa misa!!
Sabi niya: "Ahhhhh!!!!!!! Ang daming problema, tapos lalala pa ito?? Bahala na, once in a lifetime oppurtunity naman ito."
9:00 na ng umaga nang dumating si Bishop Benitez, at sinalubong siya ni Simeon bilang MC sa misa. Nakita ang mga ito ni Lilay. Sabi pa niya: "(Nagtaka) Bakit si Simeon na lang lagi? Gusto na niya na laging nakatutok sa mga bagay na iyan? Sana mapansin niya ako."
11:30 na nagsimula ang misa ni Bishop. Nasa tabi niya si Simeon, alam namang MC siya sa misa. Noong sinabi ng obispo ang mga katagang: Sumainyo ang kapayapaan., hindi sila sumagot, eh alam naman natin na pareho lang ito sa sinasabi ng mga pari sa misa. (Naku! Hindi pa marunong sumagot sa response, at hindi pa luluhod sa consecration. Magsi-ayos kayong lahat!!)
Nang si Simeon na ang naghomily, naging emosyonal na masambit niya ang mga pinagdaanan niya kasama ang kanyang crush. (Natamaan ba kayo?)
Noong namang nagsisimula nang magkomunyon, ganoon na naman ang nangyari.
Eh, si Simeon naman ang magbibigay ng komunyon at nandoon din si Lilay sa linya. (Throwback na naman noong Chapter 10.)
Pagkatapos ng misa, naiwan si Simeon sa kapilya, at nakaupo. Pumunta si Lilay sa kinauupuan ni Simeon. Walang naging usapan kundi tinginan ang naging nangyari sa kanilang dalawa.
Nakita ito ng obispo, at sinabi sa kanya: "Simeon, ang galing mong maghanap ng iyong crush. Napaiyak din ako dahil natamaan din ako at naalala ko rin ang nasapit ko noong kanyang edad mo ako."
Sabi ni Simeon: "Patawarin mo ako, Lubhang Kagalang-galang na Padre, hindi po ako karapat-dapat sa iyong pag-uusap sa inyo."
Sagot ng obispo: "Pabayaan mo na lang. Sana magkatuluyan kayo." (Naki-uso na si Bishop.)
BINABASA MO ANG
In a Relationship: Isang Kwento ng Hadlang na Pag-ibig
RomanceIto ay isang maikling kwento ng pag-iibigan ng dalawang estudyanteng sina Simeon at Lilay. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay hango sa totoong buhay. Dito nakasalalay ang tunay na aral ng kwentong ito: "Love conquers all", ito ay magiging susi...