Noong si Simeon ay naghihintay sa kanilang klase, pumunta si Lilay upang makausap si Simeon tungkol sa kanyang kalagayan.
Tinawag niya si Simeon, ngunit sumigaw si Simeon: "Can you just leave me alone!!!!" Sagot ni Lilay: "Hindi! Hinding-hindi kita iiwanan, mahal ko!!"
Nang marinig ito ng buong klase, natamaan silang lahat nang sinabi ito ni Simeon.
Sabi ni Simeon sa sarili:
"Bakit ayaw akong iwanan? Alam kong crush ko siya at crush din niya ako, pero hindi 'ko lubos maisip ang tunay na nagyayari. Bakit ba ganito? May gusto ba siyang ipahiwatig sa akin? Gusto ba niya akong itaas, kahit na ako'y mapagkumbaba? O 'di kaya'y malaman ang tunay na kahulugan nito? (Buntong-hininga) Diyos ko! Bakit gustong itadhana sa akin ito??"
Nag-alala si Lilay kung bakit ganoon na lamang kalungkot si Simeon.
Sabi ni Lilay sa sarili:
"Ang hirap talaga!! Bakit gusto mo akong iwanan? Ayaw mo ba sa akin? O mayroon ka nang iba?"
Nagtaka uli si Lilay kung bakit ginawa ito ni Simeon.
BINABASA MO ANG
In a Relationship: Isang Kwento ng Hadlang na Pag-ibig
RomantizmIto ay isang maikling kwento ng pag-iibigan ng dalawang estudyanteng sina Simeon at Lilay. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay hango sa totoong buhay. Dito nakasalalay ang tunay na aral ng kwentong ito: "Love conquers all", ito ay magiging susi...