Pebrero 14, ang pinakanakakainis na araw kay Simeon. Hindi ito basta-basta ang araw na ito. Itong araw ay ang "Araw ng mga Puso" o "Valentine's Day" (FYI: Ang Valentine's Day ay ipinangalan kay San Valentino, isa sa mga unang Kristiyano sa Roma. Ayon sa isang alamat, siya ay isang pari mula sa ikatlong siglo sa Roma. Siya ay patuloy na gumagawa ng mga patagong kasal para sa mga nag-iibigan, kahit na si Emperador Claudio II ay ipinagbawal ang pagkakasal sa mga kabataang lalaki para sila ay makapaglingkod bilang sundalo. Ang Araw ng mga Puso ay itinalaga ni Papa Gelacio I tuwing ikalabing-apat ng Pebrero. Iyon ay noong 496 MK.)
Hindi basta-basta ang pagdiriwang nila sa Liceo de San Jose. Tuwing gabi ng Pebrero 13, bisperas ng Araw ng mga Puso, ang mga babae ay sasama muna sa mga silid ng kanilang mga crush. (Iba na ang tao ngayon, crush pa niya mismo ang sasamahan sa Valentine's Day.)
Iba ang naging tagpo kay Simeon. Pagkatapos niyang lumabas mula sa klase, nasurpresa siya sa nangyari. 'Di niya alam na nandoon si Lilay sa kanyang silid.
Tanong ni Simeon: " Bakit ka nandito?" Sagot ni Lilay: "Alam mo na Valentine's Day na ngayon." Sabay sigaw si Simeon nang malakas.
Nagtaka siya kung bakit nangyari ang lahat ng napaginipan at itinadhana sa kanya.
Naging masaya naman ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, hindi lamang sa kanila, kundi sa lahat ng mag-aaral ng Liceo de San Jose.
![](https://img.wattpad.com/cover/29080348-288-k553452.jpg)
BINABASA MO ANG
In a Relationship: Isang Kwento ng Hadlang na Pag-ibig
RomanceIto ay isang maikling kwento ng pag-iibigan ng dalawang estudyanteng sina Simeon at Lilay. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay hango sa totoong buhay. Dito nakasalalay ang tunay na aral ng kwentong ito: "Love conquers all", ito ay magiging susi...