Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Halos magkaparehas kami ng suot ni Jenica ngayon. Naka high waisted shirt ako ngayon at naka cropped top na kulay itim na may minimalist na design. Ganon din ang get up ni Jenica pero siya ay naka highwaisted shorts. Parehas din kaming naka white shoes at tote bag, may ballcap din kami na kulay puti.
Mag aalas diyes y'media pa lang ng umaga kaya nag decide ako na mag snacks muna kami ni Jenica habang nanonood ng t.v.
Pumunta na ako sa kusina para kumuha ng ilang chips at juice. Pagkataposnkong ayusin ito ay dumiretso na ako sa sala kung saan nag aantay si Jenica.
"May naisip ka na ba? Hirap naman regaluhan nung dalawang iyon" sabi ni Jenica sakin sabay kuha ng chips.
"Wala pa nga e, t-shirt? Baseball cap? Wallet?" umupo ako sa kanya at kumain na rin. Kinuha ko ang remote control at naglipat ako ng channel.
"Pwede din. San tayo sa downtown ba?" kinuha niya ang phone niya, siguro naghahanap kung anong pwedeng iregalo.
" Try natin sa may Circle, baka marami-rami don. " nagulat ako ng bigla ako akong kinurot ni Jenica.
"Oy sabi mo may chika! Ano ba yon?" kinuha niyang rmeote at hininaan niya ang volume ng t.v.
Napatingin ako sa kanya at nakagat ko ang ibabang parte ng aking labi. Tinignan ako ni Jenica na may kuryoso sa kanyang nata at may maliit na ngiti na lumitaw sa kanyang labi.
"Wala yon" at pinagpatuloy ko na ang panonood sa t.v. Bigla akong binato ni Jenica ng throw pillow sa mukha kaya may konting natapon sa kinakain ko.
"Alam mo, talkshit ka talaga. Kala ko naman may chika. Tara na nga at lumayas" tumayo si Jenica at tinulungan ako maglinis ng kinainan naming chips.
Pinatay ko na ang t.v at sabay kaming lumabas ni Jenica. Mag cocommute na lang kami dahil tinatamad din ako mag drive ngayong araw. Nakasuot kami ng baseball cap ngayon para hindi masilaw sa sinag ng araw. Pagkadating namin sa kanto ay sumakay kami sa jeep para makapunta ng downtown.
Tanghali na kami umalis at di pa kami naglulunch. Isa pa ay nagugutom na ako kaya pag kadating namin sa downtown ay hinila ko si Jenica sa foodpark.
Umupo kami sa isang table na oang dalawang tao. Tumayo ako at tinanong si Jenica kung anong kakainin niya.
"Tapsilog na lang tapos isang mountain dew" inabot sakin ni Jenica ang isang daan. Ganon na rin ang inorder ko para mas mabilis matapos.
Nang maibigay na sakin ang order ko ay nagbayad na ako at pumunta sa table namin. Pag ka upo ko ay biglang nagsalita si Jenica.
"Si Ethan ba yon?" sabay turo sa lalaking nakatayo sa harap ng isang stall kasama ang isang babae.
"Parang... Diba ganyan suot niya kanina?" sabi ko. Bumaling na ako sa pagkain at nag simula na.
"Sino kaya yun no? Baka girlfriend niya" nagkibit balikat na lang ako at nagsimula na rin si Jenica kumain.
"Ano ba ireregalo natin? Naisip ko kase T-shirt at baseball cap na lang" sabi sakin ni Jenica. Uminom muna ako ng softdrinks bago sumagot.
"Pwede din, naisip ko kase bracelet na lang o di kaya dogtag. Wala naman kase alam pag lalaki ang reregaluhan." sinubo ko na ang huling kutsara ng aking pagkain.

BINABASA MO ANG
Adore You
RomansaDid I deserve the pain? Did I deserve the treatment? Was sacrificing a right choice? Was it worth it? I can do anything. I can even give my last breathe even if you won't let me love you. But just please.... Let me Adore you..