CHAPTER VIII

3 0 0
                                    


Nakasakay ako ngayon sa motor ni Ethan. Nakahawak ako sa may laylayan ng damit niya. Hindi naman kase ako sanay umangkas, mas sanay ako na ako ang nag d'drive.


" Higpitan mo ang kapit." sabi sakin ni Ethan.



"No need, nakahawak na naman ako sa----- What the fuck!" napayakap ako sa kanya ng bigla niyang binilisan ang takbo ng motor.


Narinig ko na tumawa siya ng mahina.

"Siraulo ka ba! Wag mo nga akong gulatin ng ganon!" sabi ko sa kanya ng nakaadjust na ako sa bilis niya. Nagulat ako na tinatahak namin ngayon ang daan papuntang cliff.


" Saan tayo?" tanong ko kahit alam ko naman kung saan.


" Cliff obviously." suplado talaga, nagtatanong lang naman.









Tahimik kaming nakarating sa cliff. Papalubog na rin ang araw noon kaya pumunta agad ako sa lagi kong pinepwestuhan kapag andito ako. Sumunod sakin si Ethan at umupo malapit sa tabi ko.












"You like sunsets very much." sinabi niya iyon na parang siguradong sigurado siya. Tumungo ako bilang pag sang ayon sa kanya.




"Ang gandang tignan e. Atsaka kung ganto ba naman kaganda ang pagtatapos ng araw ay mas gugustuhin ko na lagi na lang lumubog ang araw." sabi ko habang pinagmamasdan ang kalangitan.



Tahimik naming pinagmasdan ang paglubog ng araw, senyales na tapos na ang araw pero para sakin eto palang ang simula ng tahimik at maganda kong araw. 





"Why do people we love the most, leave?"mahina kong tanong sa kanya. Naisip ko kase ang parents ko, what if andito pa sila? Ang daming possibilities ngunit di ko alam ba't ko to natanong, pagbaling ko kay Ethan ay nakatingin lang siya sakin.





"Maybe we will grow as a better person when they leave, sabi nga nila sometimes we need to grow on our own" mahinang sabi ni Ethan.  Umiwas siya ng tingin at tumayo.


"I think we should go, may pasok pa bukas so we can't stay much longer" napabuntong hinga ako at napanguso. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo at pinagpag ang damit ko.


" Ok, then let's go" bumaling ako kay Ethan at ngumiti, tumingin siya sakin at sabay na kaming tumungo sa motor niya.


Habang nasa biyahe ay chineck ko ang aking phone at sakto na tumawag sakin si Ate.


"Nasa downtown ka pa ba?" tanong sakin ni ate.

"Nope, hahatid ako ni Ethan." sabi ko.

"Ethan? I thought si Jenica ang kasama mo?" sabi sakin ni ate.

"Yeah long story. Malapit na rin naman ako"



"Invite your friend na dito na satin mag dinner, sakto kakatapos ko lang magluto" sabi sakin ni ate. Pumayag ako at binaba na ang tawag.


Kinulbit ko si Ethan at tinawag.


"Hey, sabi ni ate samin ka na mag dinner" sabi ko sakanya. Sakto ay lumiko na rin kami sa street namin. Ni hindi man lang sumagot.




Pumarada na si Ethan sa tapat ng bahay kaya bumaba na ako motor. Hinubad ko ang aking helmet at inabot ko ito sa kanya.



"So?" sabi ko sa kanya, tumagilid ng bahagya ang ulo at ngumit sakin. Wow marunong pala tong ngumiti.



Adore YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon