Chapter 1

39 0 0
                                    

"Hail, tara na! Umattend na kasi tayo."

Kanina pa ako kinukulit nitong bestfriend ko para lang pumunta sa junior and senior parade sa school ngayong araw. I just ignore her presence because I'm too busy doing all my research and homeworks. My mind is too occupied of all these papers I need to submit. Halos nagkalat na nga ang mga gamit ko dito sa lamesa, feeling ko nga pati buhok ko magulo na rin. Sa sobrang dami kong ginagawa ni hindi ko na ngang magawang magsuklay.

"Hindi ako pwede! Medyo marami pa itong kailangan kong tapusin. Ikaw ba tapos ka na? Kung makapag-aya ka, akala mo wala ka ng gagawin." tiningnan ko lang siya sandali para pagsabihan saka ko binalik ang atensyon sa mga nagkalat na papel sa lamesa ko.

Hindi ko rin talaga alam kung paano nagagawa nitong si Louise na makapunta pa sa iba't-ibang activities sa school kahit na halos hatiin na namin 'yung katawan namin sa dami ng homework at projects. We're also preparing for our midterm exams. I have too much on my plate now, and I don't know which one to prioritize.

"I'm not yet done, but boys' is life. Baka nandun 'yung mga gwapo sa fourth year." kinikilig pa siya habang inaayos ang gamit n'ya.

"And add some excitement to your student life, Hail." she shrugged.

"Bakit kaya one of the boys pa rin ang tingin sa'yo nila Tita?" tinatawanan ko lang siya kasi mukhang napikon siya sa sinabi ko.

"Kasalanan kasi 'yan nila Thomas dikit kasi nang dikit sakin." she just rolled her eyes.

Well, it's funny how her parents see her as one of the boys. Pero ang totoo mabilis pa kay The Flash 'yan kapag nakakita ng gwapo. Ganun lang siguro ang tingin sa kanya ng ibang tao kasi mas madalas nga naman n'yang kasama 'yung mga kaibigan naming lalaki.

"But seriously tho, I'm busy." I casually said.

"Balita ko pa naman nandun din 'yung ibang departments. Text ko kaya si brother kung pupunta siya." Pagpaparinig pa n'ya. Akala n'ya siguro mapipilit n'ya akong samahan siya dahil dun. I don't give a damn if she messaged her brother or what. Pakialam ko dun? After all, he's not the only man in the world.

"Ay oo nga pala, may naka move on na daw pala dito." Pagpaparinig ulit nitong si Louise.

Inirapan ko lang siya ulit.

"Hail, sige na, please. Promise hindi na ako mangungulit basta samahan mo muna ako kahit 30 mins. lang." Pangungulit na naman n'ya habang hinahampas 'yung balikat ko.

"Fine! Pero 30 minutes lang. After that, iiwan na kita dun." I surrender. Alam kong hindi n'ya talaga ako titigilan kapag hindi ko siya sinamahan. Baka mamaya idagdag n'ya pa ito sa listahan ng mga kasalanan ko at singilin ako sa graduation.

"Yey, you're the best!" Sabay yakap pa sakin ng mahigpit.

"Hindi talaga marunong mamili ng babae 'yan kapatid ko. But don't worry Hail, ikaw ang manok ko." she added.

I just pulled out her hair while she keeps on laughing. Hobby n'ya talaga na asarin ako. Most of the time, effective naman. By just mentioning her brother's name, sira na agad ang araw ko. She knows how to annoy the crap out of me. Supportive naman siya sa sakin and she keeps telling me na ako daw ang manok n'ya. Ano ito sabong?

Pagdating namin sa field, medyo marami ng tao. Some departments are holding their flags and banners. Hinanap na lang namin 'yung ibang kaklase namin. Until now, I still don't know what's the purpose of this. Third year college na kami so para samin daw itong event, pero hindi naman required kaya ayoko talagang pumunta. It's like a tradition, annual celebration, and passing of responsibilities of all the graduating students to upcoming seniors. Medyo mahirap na nga ngayon considering that in just a few months, fourth year na kami. So I don't want to waste any time. Hangga't may vacant sa schedule ko I really make sure to finish all the things that I need to accomplish. Mas mabuti ng maaga kong natatapos kaysa magahol sa oras. I'm not a fan of cramming.

This Game Called LoveWhere stories live. Discover now