13

329 49 16
                                    

A/N: Expext the typo's and wrong grammars

********

REIN

Halos isang linggo na simula nung binitawan ko yung mga katagang magpapahirap din pala saakin. Halos araw-araw umiiyak ako, nagmumukmok, pero hindi ko hinayaang hindi pumasok at magtrabaho. Alam ko mas kailangan ko yung mga yun.

Isang linggo na pero hindi pa rin siya nagpapakita. Oo hindi siya nagpapakita sakin o kaya kinakausap. Diko rin siya nakikita sa school. Tinatanong ko yung nga kateam-mate niya pero sabi di daw
siya pumapasok.

Ewan ko din pero kusa nalang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yon. Nabigla din ako. Napakababaw nang rason ko para makipaghiwalay dakanya, pero wala na nasabi kona hindi kona rin nabawi dahil katapos kong sabihin 'yon e tumakbo na ako narinig kopang tinatawag niya ako pero pinagsawalang-bahala ko nalang.

Kadating ko sa bahay nagtago lang ako sa kwarto ko at umiiyak nang umiyak.

Tinatawag ako nang ilang beses nun ni Auntie dahil andun daw sa labas si Renz at kanina pa ako hinanap, pero hindi ko 'yon pinansin sa halip natulog nalang ako. Hindi ko siya kayang harapin ngayon

Pagkagising ko mga madaling araw na yun. Ang haba nang tulog dahil na rin siguro sa kakaiyak. Binuksan ko yung cellphone ko then.

200 missed calls,  476 messages

Binuksan niya yung message

From: Renz
Please let's talk

From: Renz
Please answer my goddamn call!

From: Renz
You can't break up with me. I know you love me. Let's talk. I did'nt mean to say that. I'm just curious

From: Renz
I love you, Let's talk please

Pero sa halip na sagutin ang mga message niya pinagsawalang-bahala niya na lamang ang mga 'yon at pinilit matulog ulit.

Hindi alintana ang gutom. Iniisip ko kung tama ba yung ginawa ko. Dati kahit harap-harapan na akong niloloko pinapatawad ko siya pero ngayong napakababaw nang dahilan bakit ako nakpagbreak?.

NANG sumunod na araw ganon pa rin. Nandoon si Renz sa labas dahil ayaw papasukin ni Auntie. Tinatawag niya ako nang ilang beses at sinasabing lumabas daw ako at mag-uusap daw kami. Pero hindi ako lumabas kahit awang-awa ako sakanya at gustong-gusto kona rin siyang kausapin sa halip nagkulong lang ulit ako at nagmukmok

Nang sunod na araw e nakakapagtakang wala siya nang buong araw. Wala rin akong nakita ni bakas niya sa school.

Sa kompanya naman naging maayos na ang relasyon namin ni Grey bilang amo at sekretarya. Kinakausap niya na ako at bumalik na ang dati. Nagiging makulit  na rin siya paminsan-minsan pero hindi maalis yung pagiging seryoso niya kapag nakaharap siya sa mga tambak na papeles.

Ikaapat, Ikalima, Ikalima at hanggang ngayon ay hindi kopa rin nakikita si Renz. Walang ni bakas kahit anino. Balak kopa naman na sana siyang kausapin at ayusin ang saaming dalawa. Pero sa hindi niya pagpapakita saakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Hindi ko rin alam kung babalik paba kami sa dati o magiging magkaibigan nalang. Narealize ko yung mga ginagawa niya dati. Naalala ko yung lagi niyang nababanggit na pangalan yung  Ella ilang beses ding naging sanhi nang away namin ang pangalang 'yon.

At 'eto ako ngayon tulala. Diko tuloy alam kung nasaan na parte si Maam sa tinuturo niya. At 'eto namang katabi ko si Raiza hindi rin nakikinig kanina pa kalikot nang kalikot sa cellphone niya at nakangiti pa

Hmmm, I smell something fishy!

Bagoong!

Habang nag-iisip nang kung ano-ano bigla nalang nag-pop sa utak ko yung salitang Scholar. Kaya naman dali-dali akong umayos nang upo at pinilit na makinig kahit na yung utak ko e nasa ibang kalawakan. Nakasakay sa spaceship.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon