59

175 10 2
                                    

REIN.

Oliver stay in the door until I untie the ropes. Binantayan niya ako, baka daw kase may kumuha sa akin dahil nga nagkakagulo na lahat.

Kaliwa't-kanang putok ng baril lang ang naririnig ko kasabay pa ng dagundong sa dibdib ko. Kinakabahan ako kasabay ng kasiyahan dahil sa wakas mahuhuli na yung mga masasama.

"Tapos naba?. Faster please" Oliver said. Tumango lang ako at nag-pokus na sa pagtatanggal ng tali.

When I finally untie it, pati sa paa ko ay inalis ko na. Nahirapan ako doon dahil sobrang mahigpit. Narinig kong may pumupunta sa bodegang ito na dalawang lalaki pero walang habas na binaril lang 'yon ni Oliver.

Nang matapos ako pagtatanggal ay dali-dali akong tumayo at pinulot ang mapa.

"Do what I told you. Iikot mo na 'yang drawer may doorknob diyan" he said. I nod, inikot ko ang drawer at doon nga ay may doorknob. Binuksan ko ito at laking gulat ko ng sobrang dilim dito.

"Here!" hinagis niya ang kaniyang cellphone at laking salamat ko ng masalo ko ito.

"Thanks" I said, at pumasok na sa pinto. Isinarado ko agad 'yon gaya ng sabi. Inilawan ko ang dinadaanan ko.

Nakakatakot. There's so many webs tapos ang alikabok pa. Dagdag pa na sobrang dilim. Mabuti nalang masyadong maingay ang mga putukan sa labas.

I kept walking and walking. Ramdam ko ang saya dahil sa pinakadulo nito ay paniguradong ligtas na ako.

Tinakbo kona ang daan. Hindi maitago ang excitement dahil sa lawak ng pagngiti ko. Makikita ko na si Grey.

I wonder of what he's doing right now. I hope he's safe. Kahit pa marunong siyang humawak ng baril, hindi pa rin siya safe. Sana doon nalang siya sa sasakyan.

Inaalis ko ang mga harang upang makadaan ako ng maayos, may mga pusa pang pakalat-kalat na nagpapadagdag ng kaba ko.

Maraming pinto doon, at isa lang ang papasukan ko. Ang may markang malaking ekis na pula. Noong una ay nahirapan ako dahil sa dami nang nakaharang.

Kalaunan ng makita ko ang pintong may malaking ekis na pula na marka ay dali-dali ko itong binuksan.

Isa na naman itong madilim na daan, at sa dulo noon may nakikita na akong pinto na panigurado yun ang labasan.

Tuloy-tuloy ang paglalakad ko hanggang sa nasa tapat na akong pinto. Maluha-luha ko itong binuksan.

Pero laking pagtataka ko ng hindi ko ito mapihit, ilang beses kopa 'yon pinihit pero hindi talaga mabuksan. Lock.

Nilukob na naman ng kaba ang dibdib ko. Bakit lock? Pero naalala kong may naghihintay pala sa akin sa labas.

Sinimulan ko ang malalakas na katok at sigaw. Matibay ang pinto base pa lamang sa kahoy na ginamit dito. Shit!

"HELLO, TAO PO. TULUNGAN NIYO AKO!!" sigaw ko sa labas. Pero walang sumagot. Ilang ulit pa akong sumigaw pero wala talagang sumasagot.

Nagsimula nanaman akong umiyak, dahil sa kaba at takot na baka ma-stuck ako dito. Napakadilim at Nakakatakot.

"HELLO!!! TULONG!" I shout once again. Pero tumalon ang puso ko dahil sa narinig sa kabilang bahagi ng pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Shit! That's Rein. Rein! What the fuck. Buksan niyo!!" rinig na rinig ko sa kabilang bahagi ang pag-aalala sa boses ni Raiza.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon