46

172 10 4
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis ng dumaan sa harapan ko si Grey. As usual hindi niya pa din ako pinapansin, malamig ang pakikitungo niya sa akin. Ni tatlong salita lang ata ang naririnig ko sa'kanya.

Hindi ko naman ini-expect na ganito pala ang magiging reaksyon niya. Edi sana hindi na lang pala ako lumabas, sana pala nagpabili nalang ako ng kape.

Hindi siya pumasok ngayon. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para sana makapag-usap kami pero kapag naman magsasalita ako ay lalayo na siya na akala mo mabaho ang hininga ko.

Sa totoo lang ayaw ko na nitong pagta-trato niya sa akin. Tinatrato niya akong parang hangin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikitang mas pinagtutuonan niya pa ng pansin ang laptop kesa sa akin.

Nasasaktan ako tuwing lumalayo siya. Nasasaktan ako tuwing naglalagay siya ng distansya sa aming dalawa na akala mo ay estranghero lang ako.

Ayos naman ako, wala namang nangyaring masama sa akin pero bakit galit siya? Diba dapat nga masaya pa siya dahil wala namang nangyari sa akin.

At ang galit ko sa'kanya? Parang bulang nawala. Naiintindihan ko naman na dati pa 'yon at nag-iba na siya ngayon, sadyang hindi ko lang maiwasan ang magselos at magtampo. Ang gusto ko kase ay ako lang! Tanging ako lang..

Ginawa ko na ang lahat para pansinin niya ako. Nagpapapansin ako pero walang talab, masyado siyang matigas.

Balik tayo. Nagtaas ako ng kilay ng makitang diretsyo sa sofa at yakap nanaman ang kaniyang laptop. Ano ba ang meron sa laptop niya?

As if kaya siyang yakapin ng bwiset na laptop na 'yan? Akala mo kaya siyang pakiligin ng laptop na 'yan.

That night, hindi na kami magkatabi sa higaan. Sa sofa siya natutulog. Awang-awa na ako sa'kanya. Kitang-kita ko kung paano siya nahihirapan dun sa sofa. Ilang beses ko na siyang kinulit pero puro deadme lang talaga ang natatanggap ko.

"Grey!" tawag ko sa'kanya. Hawak ang tambo at dustpan sa magkabilang kamay.

"Hmm?" see. Bwiset talaga!

"Nagugutom kaba? Gusto mo ipagluto kita?" I ask.

"No" sabi niya. Nagtitipa sa laptop niya.

"Okay" tanging naisagot ko.

Nagkibit-balikat ako at ipinagpatuloy ang paglilinis. Nalinis kona ang buong bahay.

Wala talaga akong mapagbalingan ng boredom ko. Kaya pinagtripan ko ang paglilinis.

Naisip ko bigla si Tyler. Parang kailangan ko ng kausap ngayon. Pero diko naman alam kung magkikita paba kami nung kanong 'yon. Wala man lang akong kaalam-alam sa'kanya bukod dun sa pangalan niya.

Isang linggo nalang at babalik na kami sa Pilipinas pero ni hindi ko man lang na-enjoy ang stay ko dito. Dina ako lumabas pagkatapos noon. Baka magalit pa si Grey.

Kaya minsan si Raiza ang tinatawagan ko na para kahit papaano ay may makausap ako.

Napagpasyahan kong bumalik sa coffee shop to refresh. Kung ayaw niya akong kausapin might as well umalis nalang ako.

"Grey. Diya-an lang ako sa coffee shop sa baba ah" that caught his attention.

Binalingan niya ako "What?"

"Sabi ko diya-an lang ako sa coffee shop"

Dahan-dahan siyang tumango "Sure! Isama mo si Kuya Omeng" malamig niyang sabi saka binalingan ulit ang laptop.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon