A/N: Expect the typo's and wrong grammars
••••
Rein's POV
"Auntie aalis poba kayo?" tanong ko kay Auntie Rosette dahil may bihis na bihis ito.
"Oo nagyaya si Racquel ililibre daw kami nagpadala daw kase yung anak niya".
"Mag-iingat po kayo" pag-iingat ko sakanya.
"Oo ikaw na muna bahala dito sa bahay. Pagdating nina pepay at pandoy pakainin mona at wag mong subukan umalis pag may nawala rito ikaw sisihin ko" tumango ako.
Tatlong araw na ang nakaraan simula ng matanggap ako sa kompanyang pinag-applyan ko na ang CEO pala ay si Grey pero paano?. Ang bata pa niya kung titingnan mo mukha lang siyang 20 or 21.
Nung sinabi ko kay Auntie Rosette e sinabihan niya lang ako ng mabuti at nagpatuloy na nun sa ginagawa niya. Ang mga pinsan ko naman na sina pepay at pandoy e masaya meron na daw kaseng bibili sakanila ng mga laruan.
Si pepay ay nasa edad na anim at si pandoy naman ay pitong taong gulang naman.Sa bahay na ito sila lang ang nakakahalubilo ko ewan ko pero ayaw sakin nung asawa ni Auntie siguro dahil nakikitira lang ako dito pero nagbibigay naman ako kahit magkano.
At ngayon akong mag-isa dito sa bahay walang pasok dahil Sabado sina pepay at pandoy nasa labas nakikipaglaro si Uncle Dave naman nasa trabaho.
Ilang sandali pa dumating na sina pepay at pandoy .
" Hello ate" bati ni pepay habang nagpupunas pa ng pawis sa noo
"Hello ate ganda" sabi naman ni pandoy
"Hello sainyo. Dito pay punasan natin yung pawis mo" sabi ko at lumapit naman siya agad. Tinanggal ko yung damit niya bata pa naman e kaya okay lang at pinunasan yung likod niya nilagyan ko rin ng polbo at pinalitan yung damit niya
"Ikaw naman doy"
"Hindi na ate big boy na ako e" ayaw na ayaw nitong inaalagaan siya gusto niya sarili niya nalang dahil malaki na daw siya at may crush na rin. Napangiti ako. Nagbibinata na ang pinsan ko.
"Anong big boy? baby kapa kaya. Dito nga" at hinila ko yung kamay niya hindi na rin siya nagsalita pa hanggang sa natapos kona siyang bihisan.
"Ate ano pong pagkain?" tanong ni pepay "Gutom napo ako e tumutunog na yung tiyan kopo" cute!
"Hindi kaba nag almusal kanina?" tanong ko.
"Hindi ate maaga po kaming naglaro nila Leroy e"
"E dapat kumain kapa din pano kapag nagkasakit ka gusto mo ba iinom ka ulit ng gamot?"
"Hala ate ayaw kopo promise kakain napo ako ng almusal po" tinaas niya pa yung kamay niya.
"Good, tara na nagluto ako ng adobo kanina, si Mama niyo umalis."
"Bibili na po ba ako ni Mama ng sapatos Ate?" tanong ni Pandoy
"Diko alam e" sagot ko habang pinanghahain na sila ng pagkain
"Hm, ate ang sarap naman" komento ni pepay "Parang luto din ni Mama"
"Hm, Sige kain lang kayo ng kain" sabi ko at sinandokan pa sila.
____________
[Ang pasok mo ay ala una hanggang alas syete ng gabi. Nasabi kasi ni Sir Grey na nag-aaral kapa daw at kaklase ka niya. So ngayon palang talk to your adviser at sabihin mong ililipat mo lahat ng subject mo sa umaga] sabi ni Maam Martha sa kabilang linya
"Opo Maam gagawin kopo thank you Maam" then she hang up
Bukas na ang unang pasok ko sa Salazar Estate Company kaya naman tinawagan ko na agad ang adviser ko.
BINABASA MO ANG
It Started with a Kiss [COMPLETED]
Romansa[Completed] Rein just wants a simple life. Being able to work well, able to study in a good school, and most of all It was a happy life with her boyfriend Renz. But a kiss changed her, a kiss that caused her world to revolve around the man who stole...