45

186 10 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong gramnars

~~•~~

REIN.

"Nakuha mona ba yung lunch na pinadala ko?" tanong ko kay Grey sa kabilang linya.

Ipinagluto ko kase ulit siya ng adobong manok para sa lunch niya. Anong magagawa ko e adobo lang naman ang kaya kong lutuin. Kesa naman sa fried chicken, balak ko sanang mamayang gabi 'yon lituin e.

[Yup. It's already here. Bakit adobo nanaman?] tanong niya.

Malamang yan lang alam kong lutuin e.

"Ayaw moba?"

[No, I love it. I just ask]

Ngeh!. Magsawa ka.

"O sige. Ibababa kona, naglilinis ako" pagpapaalam ko.

[Sure, Sweetheart, Be safe] aniya at siya na mismo ang pumutol sa linya.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa medyo malamig na. Tatlong linggo nalang bago ang pasko, at dalawang linggo pa kami dito. Ibig sabihin ay magpa-pasko pala ako sa Pilipinas. Kanina nga lang ay tumawag si Auntie na wag na daw ako mag tagal dito dahil baka abutin pa daw kami ng pasko dito.

Syempre gusto ko rin namang sa bahay nalang mag-pasko kasama sina Auntie at gusto ko rin sanang imbitahin si Grey. I just want to be with him.

Gusto kong maranasan niya kung paano kami mag-handa tuwing pasko. Sa totoo lang simple lang naman, kaunting pagkain dahil hindi naman nauubos. Nagre-regaluhan din.

Nasa veranda ako ng kwarto at nagka-kape. Walang-wala talaga akong magawa sa buhay ko. Though pwede naman akong lumabas, magpapasama nga lang sa mga gwardiya. Kaso ayaw ko namang lumabas, para bang tinatamad ako kaya pinili ko nalang dito manatili.

Dalawang araw palang kami dito pero miss ko na ang Pilipinas, hindi kase ako sanay, ngayon lang kase ako nakaapak sa ibang bansa. Hindi rin ako sanay na di nakikita ang mukha nina pandoy at pepay araw-araw. Nakaka-miss ang dalawang 'yon. Sa susunod na pupunta ako dito ay isasama ko sila though diko alam kung kailan. Gusto ko silang ipasyal sa Disneyland, tiyak matutuwa ang mga 'yon lalo na si Pepay.

Wala akong masyadong alam sa bansang Singapore kundi ang Disneyland kaya paniguradong doon ko yayayain si Grey kapag mag-gagala kami.

Speaking of Grey, mukhang malaking problema nga ang kinakaharap niya. Kahit kase dito dinadala niya ang trabaho, mamamalayan mo nalang naka-harap siya sa laptop at tambak na papeles. Gustuhin ko mang tumulong ayaw niya naman.

Feeling ko tuloy wala akong kwenta dito. Parang sinama niya lang ako dito para magpahinga ng magpahinga. Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gawaing-bahay. Ako naglilinis, nagluluto pati na naglalaba ng damit namin ni Grey. Kaya ang resulta feeling ko ako ang kasambahay. Tss. Joke!

Nabalik ako sa ulirat nang marinig na tumutunog ang cellphone ko sa bulsa.

Kinuha ko yun at napangiti nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.

"Hello Mae!. Kamusta kana?" hindi maitago ang excitement sa boses ko. Kamusta na kaya ang kaibigan kong 'to?

[Hello Rein. Okay na ako]

"Talaga ba?. Ayos kana?"

[Oo. Baliw ka! Nasa Singapore ka pala ngayon kasama yang manliligaw mo.] bahagya pa siyang tumili.

Napangiti ako "Oo e, may kailangan siyang asikasuhin"

[Oh ikaw?. Ano namang ginagawa mo diyan? Wag mong sabihing nagta-trabaho ka hanggang diyan. Naku! Kailangan mo rin ng pahinga ano? Baka hindi kayanin ng body mo ah]

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon