32

219 10 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

"Niyaya pala tayo ni Ella. Mag-lunch daw tayo sa canteen. Treat niya daw" si Raiza. Kasalukuyan kaming nagke-kwentuhan sa classroom dahil wala namang Professor.

"Ah, 'osige. I-inform ko nalang si Grey na wag na akong sunduin" sabi ko.

"Iba rin 'yang si Grey e. Ginawang hobby yung pagsundo at pagsabay nang lunch sayo" ngumiti pa siya nang nakakaloko. Inirapan ko nalang siya.

"Malamang, nanliligaw nga e." giit ko.

"Ano?. Kada-umaga ba ay nagpapadala pa rin nang bulaklak?" tanong niya. Naikwento ko kase sakanya minsan na laging nagpapadala si Grey nang bulaklak.

Naalala ko tuloy ang mga nagdaang-araw. Hindi na bulaklak lang may kasama nang breakfast. At kadalasan ay mga pang-mayamang pagkain pa.

"Hindi nga bulaklak nalang e. May kasama nang almusal ngayon" ani ko at napangiti. Si Raiza naman ay nagtitili at sinundot-sundot ang tagiliran ka dahilan para mapatili na din ako.

"Aray-teka!!" Angal ko. Bumabaon kase ang kuko niya sa tagiliran ko.

Tumigil siya nang pareho kaming hinihingal dahil sa kakatawa. Nang magtama ang tingin namin ay napatawa ulit kami. Kami na Baliw!.

"E by the way. Kamusta na kayo ni Tom. Balita ko nag-meet the family na daw kayo ah" sabi ko. Tumango siya at ngumiti habang inaayos ang uniporme dahil sa nagulo 'yon sa paghaharutan namin

"Actually matagal ko nang kilala ang pamilya niya at ganon din siya sa pamilya ko. Ang pinagkaiba nga lang. Buong pamilya niya na ang nakilala ko. At maayos naman e. Gusto daw nila ako kay Tom" aniya. Napangiti tuloy ako. Masaya ako para kay Raiza.

"Good. Pag may nang-alipusta sayo. Isumbong mo agad kay Tom ah!. tumango siya. "Alam mo naba ang birthday ni Renz?" tanong ko.

Napansin ko ang munting dumi sa ulo niya kaya tinanggal ko 'yon.

"Yeah!. At invited kami ni Tom. Actually pati sina Franz pati ang mga boyfriend nila e"

"Weh?. Edi kompleto tayo that day," tanong ko. Tumango siya. WAH! Excited na ako.

Magdadal-dalan pa sana kami pero dumating na ang pang-huli naming Professor sa araw na 'to.

Habang nagdi-discuss sa harap ang Prof ako ay wala sa sarili. Pre-occupied ang utak ko dahil kay Grey at ang isa pang dahilan ay tinatamad ako.

Mahirap kalaban ang katamaran. Kaya kinampihan ko nalang

Di kase maalis sa isip ko habang hinahalikan niya yung palasinsingan ko. Nagbibigay yun nang kung anong kiliti sa tiyan ko. Ba't ba ang hilig magpakilig nang nilalang na 'yon?.

At ang isa pang bumabagabag sa isip ko ay yung sinabi ko nang gabing nalasing ako at walang maalala. Ano naman kaya ang nasabi ko at gusto ni Grey ay sabihin ko 'yon pag hindi ako lasing.

At ang isa pa ay ang pagpunta daw namin sa Singapore. Kung sasabihin ang nararamdaman ko para 'don ay Excited at Kabado. Dipa kase ako nakakasakay nang eroplano at natatakot ako sa matataas na lugar. Fear of Highs kumbaga.

Iniisip ko palang na sasabog yung eroplano o kaya ay maglalanding kung saan ay gusto ko nang umurong.

Kung anong sinasabi ni Ma'am ay wala akong naiintindihan. Masyado akong pre-occupied. Nakatingin lang ako sa harap na akala mo ay talagang nakikinig. Tumatango pa ako kunwari para kunwari nakikinig ako.

Sa gitna nang pag-iisip ko nang ano-ano ay bigla nalang nag-vibrate yung cellphone ko. Ramdam ko 'yon dahil nasa bulsa kolang.

Pasimple ko 'yong kinuha at tiningnan. Text galing kay Grey.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon