Wednesday ng umaga ay chinat ko agad si Allen para tanungin kung anong oras yung graduation niya at ang sabi niya, alas-dos pa naman daw ng hapon kaya naupo muna ako sa sofa dito sa living room namin habang nainom ng fresh milk.
"Good Morning little sister." bati sa akin ni Kuya Ethan at hinalikan ako sa may noo. "Good Morning Kuya." bati ko din sa kanya at ngumiti ng malaki.
"Kumain ka na?" tanong niya sa akin. "Wala akong gana kuya. Parang bloated ako masyado ngayon." sagot ko at hinawakan yung tiyan ko.
"Huwag ka na uminom niyang gatas. Parang hindi nurse, alam mo namang nakaka bloated 'yang gatas." saad niya kaya binaba ko na lang yung tasang iniinuman ko sa center table. "Nag cra-crave kasi ako ng something dairy." sagot ko at tumayo sa pagkakaupo ko saka nag stretch ng
kakaunti."Take Simethicone Chewables. Meron diyan sa medicine cabinet." utos niya sa akin kaya naglakad na ako papunta sa medicine cabinet.
Habang nagtitingin tingin ako doon ay bahagya akong napahawak sa may right breast ko na parang kumikirot na mahapdi. Ewan ko ba bakit nagiging medyo sensitive 'tong mga dibdib ko. Noong nakaraan ay naghaharutan lang kaming dalawa ni Maybelle at medyo na squish niya lang yung dibdib ko pero halos mamura ko na siya sobrang sakit lalo na sa may nipples.
"Nakahanap ka?" tanong sa akin ni Kuya. "Oo kuya." sagot ko at kinuha yung box na naglalaman ng simethicone. "Take that after eating. Ilang milligrams?" tanong niya sa akin. "125 mg." Sagot ko. Tumango naman siya at ngumiti. "If your bloating is not that severe, just take it twice a day. One after eating breakfast and one before going to sleep." bilin niya sa akin.
"I have to go na. Bye Elizabeth." paalam niya at hinalikan ako ulit sa noo. "Hindi ka na mag bre-breakfast kuya?" tanong ko at umiling naman siya. "Hindi na. Sa hospital na lang." sagot niya at lumabas sa bahay.
"Ate, ano pong ulam?" tanong ko sa maid namin. "Ginisang Sardinas po Ma'am. Request po kasi ni Doctora Eliza." sagot niya sa akin at tinanggal yung takip ng Sardinas.
Iba ang amoy nito. Parang sobrang lansa nito compare sa mga sardinas na nakain ko before.
Napatakip ako sa ilong ko at pinababa na sa kanya yung takip. "Ayoko po niyan. Paki takpan na lang po. Parang iba po yung amoy." sagot ko at naglakad na lang papunta sa may refrigerator namin.
Binuksan ko yung freezer at nagtingin kung anong pwede kong kainin. Nakita ko ang glass Tupperware na naglalaman ng mga salmon.
"Ako na po magluluto Ma'am." saad sa akin ni Ate. "Baka busy pa po kayo. Ako na lang po." prisinta ko. "Ako na po Ma'am. Ano po bang gusto niyong luto?" tanong niya sa akin. "Hmm. Prito na lang po ate. Ayoko po nung sunog, yung sakto lang po na medyo malambot pa yung laman." bilin ko.
Tumango naman siya sa akin at ngumiti. "Sige po Ma'am. May gusto pa po kayo? Dito po ba kayo kakain sa dining table or sa room niyo po?" tanong niya sa akin. "Two cups of rice po ate, ha? Tapos kung may gravy po tayo, pwede po bang samahan niyo ng gravy and yung drinks ko po is water and mango juice." bilin ko. "Paki hatid na lang po sa may terrace. Doon po ako kakain." bilin ko pa at naglakad na pabalik sa kwarto ko para kunin yung laptop ko at mag-aral doon sa terrace habang nag hihintay ng pagkain ko.
Pagkakuha ko ng laptop ko ay naglakad na ako papunta sa may terrace na nasa tabi ng kwarto nila mommy and daddy.
Maganda ang ambiance sa part na ito ng bahay namin. Maaliwalas, masarap ang simoy ng hangin lalong lalo na at may malaking puno ng mangga na nakatanim sa may gilid nito. Maganda din ang tama ng araw dito dahil hindi masyadong mainit at hindi madilim. Saktong sakto lang ito para sa mga gustong mag muni-muni at mag isip-isip.
BINABASA MO ANG
But He's Taken
RomanceGood Daughter. That is a number one thing that could describe Elizabeth Avery Santibañez. She is smart, kind, obedient, and beautiful. But, despite of her almost perfect characteristics she still doesn't have everything on her hands. That is her lon...