Avery's POV
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa madilim na kisame ng kwarto ko at iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon.
Hindi ko na alam ang mangyayari sa'kin sa mga susunod na araw or linggo na darating pero ang tanging alam ko lang ay kailangan kong gawin ang lahat para sa sarili ko.
Hindi lang para sa sarili ko, kundi pati sa magiging anak ko.
"Ma'am Elizabeth, nasa labas po si Sir Gunner. Hinahanap po kayo." tawag sa akin ng isa naming katiwala mula sa labas ng kwarto ko.
Marahan kong pinunasan ang luha ko at ininom ang isang basong tubig na nakabatong sa bed side table ko saka marahang pinihit ang doorknob.
"Mag uusap muna kami ng daddy mo anak, kapit ka lang dyan ha?" bulong ko sa tiyan ko saka ngumiti.
Hindi ko alam kung paano kami napunta ni Gunner sa sitwasyon na ito. Dahil may girlfriend siya at ako man ay hindi pinangarap ang maging kabit o pangalawa.
Pero ang tanging alam ko lang ay minahal ko siya, pero ang lalaking minahal ko ay taken na.
---------
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Anumang pagkakahalintulad nito sa mga totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Naglalaman din ang kwentong ito ng maraming hindi masyadong kaaya-ayang mga salita para sa mga iilang sensitibong mambabasa.
Maraming Salamat. ❤️
BINABASA MO ANG
But He's Taken
RomanceGood Daughter. That is a number one thing that could describe Elizabeth Avery Santibañez. She is smart, kind, obedient, and beautiful. But, despite of her almost perfect characteristics she still doesn't have everything on her hands. That is her lon...