Zxycheria's POV
"ZXY! Nakita mo na ba 'to?" Andrea called me. She's my best friend since high school, and to all people around me, She's the only one I trusted the most.
She handed me her phone and let me see a post from Facebook.
"Thank you for welcoming me in your family, before I make my own family with your youngest." Gunner captioned on his latest Facebook post.
He even changed his status to Engaged to Elizabeth Avery Santibañez.
"Kaya talaga nakipag hiwalay sa'yo 'yan si Gunner dahil may relasyon na sila ni Avery kahit noon pa man." saad ni Andrea sa akin.
"I'll make sure that Avery will learn her lesson by ruining my life." I uttered and hold tight the glass in my hand until it broke.
Avery's POV
"Uy Avery, kakasal ka na pala doon sa taga-Civil Engineering? Gunner Peralejo ba 'yon?" tanong sa akin ng isa sa mga block mates ko na nakasabay ko sa pagpasa ng mga final requirements namin para sa Graduation namin sa isang araw.
"Yeah, Si Gunner." ngiti ko at inayos na yung bag ko dahil kakakuha ko lang din ng marshmallow na baon ko.
"Okay na 'tong mga 'to Ms. Santibañez. Pumunta ka na sa registrar para makuha mo na yung diploma mo at medal." ngiti sa'kin ng Adviser namin.
"Medal po?" tanong ko. "Yes. You're one of nursing graduates Magna Cum Laude. Congratulations Miss Santibañez." ngiti nito sa akin dahilan para mapangiti na ako ng malaki.
Parang gusto kong tumalon sa sobrang saya pero bawal tumalon o gumalaw ng sobra ang buntis kaya ngumiti na lang ako at tumango.
"Thank you po Ma'am." ngiti ko.
Pagkalabas ko ng classroom namin ay nakita kong naghihintay na si Gunner sa akin doon habang nakasabit sa balikat niya yung mga gamit nila sa Engineering.
"Tara na, love." anyaya ko sa kanya habang nakangiti pa rin ng malaki. "Good mood ka ata." tawa niya. "Syempre, dahil Magna Cum Laude lang naman ang soon to be misis mo." ngiti ko.
"Congratulations Love!" buong ngiti niya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. "Thank you love!" yakap ko din sa kanya. "I'm so proud na magiging asawa kita! Matalino, Maganda, Mabait, at higit sa lahat nanay ng magiging anak ko!" tuwang tuwa niyang saad.
"Huwag mo na akong bolahin d'yan. Tignan na lang natin yung mga naka post na rankings sa each courses kung sino mga Dean's Lister at mga Graduating with latin honors." saad ko at hinawakan ang kamay niya.
Sumunod naman siya sa akin at pagdating namin sa bulletin board ay agad naming tinignan kung sino yung mga may latin honor at nasa Dean's List.
College of Engineering...
Bachelor of Science in Civil Engineering... 4th year...
BS Civil Engineering 4-1
Peralejo, Gunner Ashton Mendoza
General Average: 96.457%"Love! Dean's Lister ka!" tuwang tuwa kong saad kay Gunner na nakangiti lang na nakatingin sa akin. "Yeah, Alam ko na." tawa niya. "Gusto ko lang makita yung reaksyon mo kung ikaw mismo ang makakakita." dagdag niya pa.
"I'm so proud of you asawa ko." yakap ko sa kanya. "Ako din asawa, I'm so proud of you." ngiti niya at hinalikan ako sa noo. "Pagpatuloy lang natin 'to, para sa magandang future ng mga anak natin." saad niya pa.
"Congratulations boi!" narinig kong boses ni Dominique na papalapit sa amin. "Inspired kay misis eh." tawa naman ni Gunner. Tumawa naman si Dominique at umiling. "Advance best wishes na agad sa inyong dalawa. Ninong ako kapag nagkaanak na kayo, ha." saad nito at tumingin na rin sa bulletin board.
BINABASA MO ANG
But He's Taken
RomanceGood Daughter. That is a number one thing that could describe Elizabeth Avery Santibañez. She is smart, kind, obedient, and beautiful. But, despite of her almost perfect characteristics she still doesn't have everything on her hands. That is her lon...