"Kumain ka na Gunner." saad ko at inabot sa kanya yung bowl na naglalaman ng beef soup. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. "Thank you Avery." he smiled and gently hold my hand dahilan para bahagyang manlaki ang mata ko at ngumiti na lang sa kanya.
"You're welcome." ngiti ko sa kanya at umupo na sa tabi ni Tristan na abala sa paggawa ng kung ano ano sa phone niya.
"Bukas na pala ang birthday mo, anong ganap?" tanong ni Tristan kay Gunner. Umiling naman si Gunner at bahagyang ngumiti. "Wala naman, Kahit anong pwedeng gawin. It's just an ordinary day." sagot ni Gunner at bumaling sa akin. "Ang sarap mo talagang magluto Avery." ngiti niya at pinat ang ulo ko.
"Inom tayo?" anyaya ni Tristan. "May mga blueprints pa akong tatapusin."
sagot naman ni Gunner. "Corny mo! Birthday din naman na ni Avery sa isang araw eh." saad ni Tristan."Ano bang balak mo sa birthday mo Avery?" tanong sa akin ni Gunner. "Magsisimba ako. Linggo eh." sagot ko at ngumiti. "Wow! Holy!" pang aasar pa sa akin ni Tristan. "Syempre! Graduating na ako eh. Dapat magpakabait na ako para naman matuwa sa akin si Lord at maging sure na gra-graduate at makakapasa ako sa board exam." saad ko at uminom ng tubig.
Pagkaalis nila Tristan at Gunner ay agad ko nang inedit yung video ng RetDem ko na wala pang 30 minutes ay natapos ko na. Pagkatapos kong iedit ay agad ko nang sinend sa email ng professor namin.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at kinuha ang phone ko para i-text sana sila Maybelle na uuwi na ako sa condo namin pero nabasa kong may text pala sa akin si mommy.
From: Mommy
Baby Elizabeth, nasa bahay ka pa ba? Huwag ka munang uuwi sa condo niyo anak. Gusto ka naming makita ng daddy mo. Pauwi na rin kami. May dinaanan lang kami sandali.Ngumiti naman ako ng bahagya at humiga sa kama ko saka nag reply kay mommy.
To: Mommy
Nandito pa po ako sa bahay Mommy. Hintayin ko na lang po kayo dito.Matagal na rin kasi magmula noong nakita ko sila mommy dahil lagi silang abala sa hospital dahil sa sobrang dami ba namang nagkakasakit sa araw-araw at dagdag na rin yung mga business namin. Nitong nakaraan lang ay nag open ang isang branch ng hospital namin sa London, England na isa agad tertiary hospital and isa pang secondary hospital sa may Parañaque City.
"Ma'am Elizabeth, nandito na po sila Ma'am Eliza." mahinang tawag sa akin ng maid namin. Tumayo naman agad ako sa pagkakaupo ko at inayos yung strap ng spaghetti dress na suot ko.
Marahan kong pinihit yung doorknob and naglakad na papunta sa ibaba and doon nakita ko si Kuya Ethan na naka upo sa may couch at nagbabasa ng kung ano sa phone niya.
"Mommy!" excited kong tawag kay mommy na nakita kong nasa may kusina and may hawak na cake. "Baby Elizabeth! I miss you baby!" she excitedly greeted me. Binaba niya ang hawak niyang cake at agad akong nilapitan saka niyakap.
"How are you? Namamayat ka anak." puna niya at tinignan ako ng mabuti. "Stress sa school?" tanong niya pa. "Medyo po. Pero worth it naman po, gra-graduate na ako sa July." ngiti ko sa kanya.
"Hi baby!" bati sa akin ni daddy na ngayon ay kakapasok lang ng bahay. "Hello po daddy!" I greeted him saka humalik sa pisngi niya. "Ang sweet talaga ng bunso ko." ngiti niya at may kinuhang something sa may bulsa niya.
Inabot niya sa akin ang isang maliit na box at ngumiti ng malaki sa akin. "Open it baby." ngiti niya dahilan para mapangiti na lang din ako ng malaki at binuksan yung box na naglalaman ng isang rose gold necklace na may heart pendant and naka engrave yung pangalan ko. 'Elizabeth Avery'
"Thank you po Daddy." I hugged him dahilan para matawa na lang siya at niyakap ako pabalik. "Anything for you baby." he replied. "Elizabeth, here's my gift." tawag naman sa akin ni Kuya Ethan at inabot sa akin ang isang maliit na paper bag.
BINABASA MO ANG
But He's Taken
RomanceGood Daughter. That is a number one thing that could describe Elizabeth Avery Santibañez. She is smart, kind, obedient, and beautiful. But, despite of her almost perfect characteristics she still doesn't have everything on her hands. That is her lon...