Pagkabalik ko kina Maybelle ay nagsisimula na ang game and nakita kong tumingin sa'kin si Gunner at ngumiti bago binato yung bola kay Tristan.
"Tagal mo sa CR." reklamo ni Ate Kei sa akin. "Naka usap ko pa si Zxycheria." sagot ko at kinuha yung bottled water sa bag ko.
"Ay, close kayo?" tanong ni Maybelle sa akin. "Tanga! Hindi no. Hindi ko nga alam parang na off ako sa mga sinabi niya kanina. Parang pinapakita niya sa'kin na dapat akong ma-intimidate sa kanya." kuwento ko pa.
"Pansin ko ngang mukhang imported yung girlfriend ni Gunner." saad ni Johann. "Oo nga. Imported talaga yon. Diba, galing 'yon ng States, Avery?" tanong sa akin ni Vien. Tumango naman ako. "Yup. Apat na taon din siya doon." sagot ko at tumingin na sa mga naglalaro.
"Mr. Peralejo, Give us again a 3 points." anunsyo ng commentator. "He's really giving us a good game." saad pa nito.
Ako naman ay seryoso lang na nanonood at tinitignan kung paano maglaro si Gunner at Tristan na panay ang tinginan sa parang nag sesenyasan pa.
"Mukhang Civil Engineering nanaman makakakuha ng MVP award." narinig kong komento ng nga mag uusap sa likuran namin. "Ang galing kasi talaga ni Peralejo maglaro. Parang hindi napapagod." sagot naman ng kausap niya.
"Inspired lang 'yan si Gunner Peralejo. Diba, dumating na yung girlfriend niya, 'yong bago sa Tourism Management." sabat naman nung isa. "Yung magandang mukhang model?" tanong nung isa. "Oo. Ang ganda diba? Bagay na bagay sila." sagot ng kausap niya.
Maganda naman talaga si Zxycheria. Halatang wala akong laban.
Pagkatapos ng game, inanunsyo na sila Gunner nga ang nanalo kaya agad na akong tumayo sa pagkakaupo ko para makauwi na.
Pero nung maglalakad na ako ay narinig kong tinawag si Gunner ng coach nila para magsalita.
"Let's give a round of applause to our game's MVP, the birthday boy, Mr. Gunner Ashton Peralejo from Engineering Department." saad ng host at binigay kay Gunner yung microphone.
"Hi. I'm Gunner Peralejo." hiyang hiya niyang pakilala sa sarili niya. "First of all, I want to say thank you for everyone. But, Now I want to say goodbye to the league and this will gonna be the last time that I'll be playing for the school."
"Since I will be graduating next year, I want to focus more into my studies and other much important things to be prioritize. But, I want to grab this opportunity to say thank you to someone who had a huge part behind of all this that I got from playing for 4 years." nakangiti niyang saad na para bang may hinahanap sa mga tao sa paligid hanggang sa magtama yung paningin naming dalawa at ngumiti siya ng malaki.
"There she is, I would like to special mention my very special person. My Avery." saad niya dahilan para manlaki yung mata ko at tumingin ng seryoso sa kanya.
"Hehe. Hi." ilang na ilang kong saad sa mga taong nakatingin sa akin. "I would like to say thank you for everything that you've done to me Avery. Thank you for the words of encouragement and support. You never fail to give me strength in a daily basis. Again, from the bottom of my heart, Thank you for everything. Thank you for not leaving, Thank you for staying." he smiled. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at tumango.
"You're always welcome." ngiti ko sa kanya.
Pagkalabas namin ng auditorium, nakita kong nakatayo sa may kotse ni Tristan si Gunner at Zxycheria na mukhang nagkakasagutan.
BINABASA MO ANG
But He's Taken
عاطفيةGood Daughter. That is a number one thing that could describe Elizabeth Avery Santibañez. She is smart, kind, obedient, and beautiful. But, despite of her almost perfect characteristics she still doesn't have everything on her hands. That is her lon...