Chapter 16 -Preparing-

94 2 0
                                    

"Elizabeth, are you sure na kaya mong mag exam ngayon?" tanong sa akin ni Kuya Ethan na sumama sa akin ngayon para mag exam.

"Yes Kuya, kayang kaya ko." ngiti ko sa kanya. "Ikaw ang bahala, basta kapag hindi mo kaya, always remember na sometimes you need to quit, okay?" ngiti niya sa akin. Tumango ako sa kanya at niyakap siya. "Salamat Kuya."

Pagkapasok ko sa examination room kung saan ako naka assign ay agad na akong lumapit sa proctor namin.

"Ms. Elizabeth Avery Castañeda- Santibañez?" tanong sa akin ng proctor namin. "Yes Ma'am." sagot ko. Tinignan naman niya yung mga papeles ko at tumango. "Okay, take a seat there." saad niya at tinuro sa akin yung isang upuan na nasa 2nd row na malapit sa bintana.

Sandali muna akong nagdasal habang nakaupo ako doon. "Panginoon, kayo na po ang bahala sa akin. Sana po gabayan niyo po ako na makapasa sa exam na ito. Gagawin ko po ito para sa magiging magandang kinabukasan ng mga anak ko." dasal ko at nag sign of the cross.

After almost 5 hours, natapos ko na rin yung exam. Hindi ko masabing madali ito dahil may iilan din akong hindi siguradong sagot pero hindi naman ito gaanong mahirap na halos wala na akong maisagot.

Pagkatapos ko ay marahan ko nang niligpit yung mga gamit ko at tumayo sa pagkakaupo ko saka pinasa iyon sa proctor namin.
"Good luck Miss Santibañez. Send my regards to your mom. She's my classmate when we're a Medtech student." ngiti nito sa akin.

Pagkalabas ko sa examination room ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko at hinanap na si Kuya Ethan.

Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa may gate. "Avery!" narinig kong boses ni Gunner. Huminga naman ako ng malalim at tumalikod sa gawi kung nasaan siya.

"Avery! Please, mag usap muna tayo." saad niya nang maabutan na niya ako. "Wala tayong pag uusapan." seryoso kong saad habang nakatingin sa kanya. "Avery, hindi totoo yung nakita mo kahapon. Please, pakinggan mo naman ako." pag mamakaawa niya.

"Hindi. Sawa na ako makinig sa mga kasinungalingan mo. Ayoko na, ayoko nang magpaloko sa'yo Gunner." saad ko. "Avery please." pag mamakaawa niya at lumuhod sa harap ko dahilan para magtinginan na rin sa amin yung mga tao sa paligid namin.

"Gunner!" boses ni Tristan sa hindi kalayuan. Mabilis siyang lumapit sa amin at hinawakan ang pulso ko. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag mong sasaktan?! Ngayong sinaktan mo na, pasensyahan na tayo. Magtatalo talo na." seryosong saad ni Tristan na hinawakan na ang kamay ko papalayo.

Nang makalayo na kami ni Tristan ay binitiwan na niya ang kamay ko. "Okay ka lang?" tanong niya. "Oo, okay lang. Si Kuya Ethan? Siya kasama ko eh, nasaan ba siya? saka anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Nagkaroon ng emergency yung isang pasyente ng kuya mo kaya nauna na siya, sakto namang nakita niya ako dito kaya binilin niya sa akin na hintayin na kita." ngiti niya sa akin.
"Eh, Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Siguro, Susuportahan ka? To wish you luck?" ngiti niya sa akin.

Napangiti naman ako ng kaunti at tumango. "Ang mga anak ko ang lucky charm ko." ngiti ko at hinawakan ang tiyan ko na halatang halata na sa nursing uniform ko. "Pero ang tatay nila ang malas." inis niyang saad.

Hindi naman ako sumagot at huminga na lang ng malalim. "Nakakagutom, kain tayo shawarma." pag iiba ko ng usapan. "Sige, tara?" anyaya niya sa akin na sumakay na ng kotse niya. Agad naman akong sumakay sa passenger ng sasakyan niya.

But He's TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon