Chapter 43. Bish is back!

9 0 0
                                    


(A/n. Stacy Madrigal at the multimedia guys. Hihi!)

---

Walang nagsasalita ni isa samin. Nakaupo at magkakaharap na kami sa dining area nang mga Smith habang tahimik na kumakain. Mula nang magsimula yata kaming kumain ay wala nang nagsasalita sa amin.

Maski ako ay hindi malaman kung ano ang sasabihin, o kung dapat ba ko talagang may sabihin? May karapatan ba kong magsalita?

Tahimik lang akong ngumunguya at tutok lang sa pagkain sa harapan ko, kahit anong sarap non ay wala akong malasahang kahit ano. Basta nanatili lang akong tulala sa pagkain habang pinakikiramdaman ang bawat isa.

Nag angat lang ako nang tingin nang lagyan ni Mr. President nang Red wine ang glass ko. Napalunok ako nang salubungin ko ang titig nya, batid kong nagsisimula nanaman akong kabahan pero nilabanan ko yon.

"So, who's your Parents and what's your family's business?"

Nagulat ako sa biglaang pagtatanong nya tungkol sa personal kong buhay, kaya nilunok ko muna nang maayos ang pagkain sa bibig ko bago sumagot.

Alam kong nanonood ang lahat sakin, kaya hindi ako maaaring mag pakita nang kahit na anong emosyon o kahit na anong kahinaan.

Kinuha ko ang wine glass at sandaling sumimsim doon bago ko ibinalik ang paningin kay Mr. President.

"My parents are Butch and Lorna Lee."

Nakita ko ang panlalaki nang mata ni Tita Karen at Mr. President, at kumunot pa ang noo ko nang magkatitigan silang dalawa pero hindi ko na inintidi yon.

"Aside from the Clothing line that my Mom's owned, we also have Hotels and Restaurants in many differents places of the country. Si Pops naman po ang nagpapatakbo non bukod sa pagiging Engineer nya."-I smiled.

Pero nakita ko ang pag tiim nang bagang ni Mr. President na humigpit pa ang pagkakahawak sa utensils nya at ang pag inom ni Tita Karen sa wine nya na parang biglang hindi mapakali.

I don't want to think of anything because I know it wasn't right, but seeing them behaving like this made me realized something.

Kilala ba nila ang mga magulang ko?

Natigil ako sa pag iisip at muling napatingin kay Mr. President nang marinig ko na ulit ang tinig nya, nag salubong muli ang mga mata namin at nakita kong bumalik na iyon sa walang ekspresyon.

"Gaano na kayo katagal?"-Tanong nya.

Nahugot ko ang hininga ko at magsasalita na sana pero naunahan ako ni Mokong, "I can't find any reason why you need to fvcking asked that!"

"Harris?!"-Tinig ni Tita Karen ang pumigil kay Mokong.

At doon nanaman ako nakaramdam nang uneasiness. Kinakabahan ako, o mas tama yatang sabihin na natatakot ako dahil parang biglang nagbago ang pakitungo sakin ni Tita Karen.

Hindi sumagot si Mokong at inis lang na nilagok ang laman nang wine glass nya, batid kong gustong gusto nya nang umalis pero hindi nya magawa.

Napatingin ako sa gawi nang mga kapatid nya pero tahimik lang itong kumakain, pero alam kong aware sila sa mga sigawan sa paligid.

Nang ibalik ko ang paningin kay Mr. President ay bahagyang nakataas ang kilay nito na para bang naiinip na sa sagot ko.

Yumuko ako at bumuntong hininga, "One month palang po."-Sagot ko.

Ramdam kong tiningnan ako ni Mokong pero nginitian ko lang sya nang pilit, kumunot ang noo nya at inilingan ako.

Bakit ba? Ano namang gusto mong sabihin ko eh totoo namang One month palang tayo, baliw ka talaga!

Campus Cupid'sWhere stories live. Discover now