Chapter 46. Mission!

8 0 0
                                    


(A/n. Raze Dominique Garcia at the multimedia guys. Hihi!)

---

Nikkay's POV.

"Ready?"-Tanong ko kay M nang makasakay na kami sa Favorite motor bike ko.

Ahh, namiss ko tong si Maximo!

Ito ang lagi kong ginagamit kapag may mission. Minsan ay kotse, Depende kung gaano karami ang kailangan naming bitbiting gamit. Pero sa ngayon ay ito ang gagamitin namin papunta dun sa Mansion nang mga Garcia.

Nakangiti syang tumango sakin pagkatapos nyang umayos isuot ang helmet, "Always ready, Kia."-Sagot nya.

Napailing nalang ako at sinimulan ang pagpapatakbo nang motor ko. Wala kang Maximo, sing bilis mo pa din ang paghahanap nya nang iba. Char haha!

Ang totoo ay napaka raming tanong ang tumatakbo sa isip ko na pilit kong ipinag sasawalang bahala...

Ang una ay yung tungkol kay Pogs. Anong pumasok sa isip nya at pinasok nya ang delikadong trabaho naming ganito?

Ngayon naman ay yung nangyaring pagkikita nila Oppa at Ate Kate kaninang umaga.

Alam kong merong namamagitan sakanilang dalawa nang makita ko ang kakaibang titigan nila. Hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita kong naiyak si Ate Kate nang makita nya si Oppa. Pero yung lalaki naman na yon ay bigla nalang nag paalam sakin at umalis nalang bigla.

Sumunod naman si Ate Kate na nagpunas muna nang luha at nag tatakbo na paalis. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Pero may naisip ako dahil don.

Hindi kaya, si Ate Kate ang tinutukoy ni Oppa na matagal nya nang hinahanap at gustong makausap? Pero kung ganon nga, bakit kung kelan magkaharap na sila ay tsaka naman sya nag madaling umalis? Ah ewan. Sumasakit na talaga ang ulo ko!

Ipinarada ko ang motor sa madilim na bahagi nang lugar na iyon at medyo malayo sa malaking Mansyon na natatanaw na namin ngayon.

Parehas naming inayos ni M ang mga suot namin. Tinanggal na namin ang helmet at inayos ang buhok gamit ang kamay. Naka suot sya nang black leather pants, maroon tube, black leather jacket at maroon boots na hanggang ankle lang. Nakalugay din ang mahaba nyang buhok at may black cap at mask!

Habang ako kay naka black leather short, black sando at black croptop leather jacket. Nag suot din ako nang boots na black hanggang tuhod. Tinali ko ang buhok ko into ponytail at nag cap at mask na black.

Sinilid na namin sa mga bulsa namin ang tag isang baril, balisong at ang gagamitin namin sa mga makakakita saming tauhan. Pampatulog. I-injectionan lang namin sila dahil hangga't maaari ay ayaw naming manakit.

Si Ria ang Sniper saming dalawa habang ako naman ang Silent killer at yung mismong sumusugod. Naalala ko dati, grabeng training ang nalampasan namin bago kami naging ganap na miyembro nang Dark Monarch.

Walang anak anak o kung ano man noon, kung mahina ka, talo ka. At hindi yon pwede sa grupo namin!

Kinuha na namin ni M sa compartment ang mga gamit at tiningnan ang mansyon.

May mga nakaparadang sasakyan sa tapat non at sa hindi din kalayuan. Grabe, ganyan kadami ang tauhan?

"Kabisado mo naman yung blueprint nang mansyon, right?"-Maarteng tanong nya kaya nginiwian ko sya.

"Yeah right."-Pang gagaya ko sakanya at natawa ako sa itsura nyang nakanguso haha!

"Sa likod ka dumaan. Sa harap ako."-Sabi ko habang sinusuot ang black gloves ko.

Campus Cupid'sWhere stories live. Discover now