Chapter 42. Smith's Family!

13 0 0
                                    

---

Nikkay's POV.

Hindi ako mapakali habang nag d-drive si Mokong papunta na sa Mansion nila. Kakasundo nya lang sakin sa Company namin at magdidilim na.

Sa sobrang kaba ko nga ay simple cream colored dress lang ang naisuot ko, although  nadadala ko naman sya pero feeling ko ay hindi ako prepared kahit na buong linggo ko naman talagang pinag isipan kung ano ang magiging style ko sa araw na to.

Pero ito nga't naka simpleng dress, simpleng make up at simpleng ayos lang ako. Hindi ko naman masabing panget ako kasi imposible yon. Char, haha!

Ugh, damn. Bakit ba ko kinakabahan?!

"Hey. Just relax Love. "-Napatingin ako kay Mokong nang hawakan nya ang kamay ko at halikan ang ibabaw non, tutok pa din sa pag d-drive.

I sighed, "Feeling ko ang pangit ko ngayon Mokong."-Ngumuso ako.

Kumunot ang noo nya at sandali akong tiningnan.

"Really? But you look beyond gorgeous, Baby."-Kumindat pa sya at ngumiti.

Sinimangutan ko sya lalo, "Grabe naman pong pambobola yan, Mr. Smith."

Natawa sya, "Hindi kita binobola, Mrs. Smith."-Pang gagaya nya sakin.

Mrs. Smith? Eh, bat ang sarap sa pandinig? Hehe. Pero mamaya na ang landi N!

Sinamaan ko sya nang tingin at inalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko bago ko sya hinampas sa braso. Natawa ako nang marinig ko ang bungisngis nya. Nakakainis. Nakakahawa ang tawa nya eh!

"There you are. Smile, You looked really beautiful without making any efforts, Love. Promise."-Nangiti ako nang kindatan nya nanaman ako.

Ang effective naman mambola nang Mokong na to, no wonder madaming nagkakandarapa sakanya. Nakangiti na ako all the way pero nang pumasok na kami sa Village nila at huminto sa malaking Mansyon ay nakaramdam nanaman ako nang matinding kaba, Omg! Nandito na kami.

"You don't have to be nervous, Love. Hindi naman sila nangangain."-Napanguso ako nang tumingin kay Mokong.

Ngumisi sya, "Nangangagat lang--Ahh?! Joke lang eh."

Hinampas ko nga, nananakot pa. "Nakakainis ka naman eh."

Pero natawa lang sya at hinalikan ulit ako sa noo at labi bago sya bumaba nang sasakyan para pagbuksan ako, napahinto lang sya nang bigla syang salubungin nang yakap ni Ate Kate. Omy, nandito na talaga kamiiii!

Wala sa sariling napalunok lang ako at tinanggal na ang seatbelt nang buksan na ni Mokong yung pinto sa gilid ko. He smiled, kaya bumuntong hininga ako nang malala atsaka din ngumiti.

You can do this, N. Don't be afraid, kelan ka pa kinabahan nang ganyan? Psh.

Sinukbit ko na sa balikat ko ang pink kong sling bag at nagpa alalay na nga kay Mokong sa pagbaba nang kotse.

Pero hindi pa man ako nakaka-ayos nang tayo ay mabilis na kong hinila ni Ate Kate at niyakap.

"Omg. Nandito kana, Danikka."-Napangiti ako sa pagsalubong nya sakin.

Bumuntong hininga si Mokong at napailing tsaka sumenyas na kukunin nya lang ang maleta nya sa back seat. Dinala nya na kasi ang ilang damit at gamit na importante sakanya dahil nga dito na daw ulit sya titira. Bali napag usapan namin na Every saturday nalang kami bibisita nang Condo dahil mas malapit ang Ruster's don.

"I missed you so much."-Sabi ni Ate Kate kaya niyakap ko din sya nang mahigpit.

"I missed you too, Ate."-Sagot ko at mas lalo nya pa kong niyakap kaya natawa ako.

Campus Cupid'sWhere stories live. Discover now