Chapter 28. New chapter! (ft. JanCess)

16 1 0
                                    


Princess's POV.
(Monday morning!)

"Anak, gumising kana riyan. Nandyan na ang manliligaw mo sa baba, papasok na ako sa Office!"

Agad akong napabalikwas nang bangon nang marinig ang sigaw ni Papa sa labas nang kwarto ko.

"Mag aasikaso na po, ingat po kayooo!"-Sigaw ko nalang pabalik.

Napatingin ako sa orasan at 7:24am na. 10am pala ang class schedule namin ngayon. Pero bakit ba ang aga nang lalaking to?

Aish! Bakit ba hindi ako masanay sanay sakanya? Kainis. Binilisan ko na ang pag ligo at pag aayos ko at bumaba na agad ako.

Naabutan ko syang ngiting ngiti na nakaupo sa sala habang may hawak pang bouquet ng white roses.

Tumayo sya at nakangiting iniabot ang bulaklak sakin.

"Maganda ka pa sa Umaga, Princess Elizabeth!"-Di ko napigilan ang ngiti ko nang sabihin nya yon.

Madalas akong mainis kapag may tumatawag sakin sa full name ko pero hindi ko alam kung bakit ang sarap sa pandinig kapag sakanya nanggaling!

(^_^)

Inamoy ko din ang mabangong bulaklak na binigay nya. Nangiti nanaman ako nang maalala na ilang beses syang nagdala nang iba't ibang bulaklak hanggang sa malaman nya na puting rosas ang gusto ko.

Nakangiting tiningnan ko sya.

"Kumaen kana?"-Tanong ko at ngumiti nanaman sya!

"Busog na ako makita palang kita. Pero nagutom ulit ako nang ngumiti ka na!"-Hinampas ko sya sa dibdib nya na tinawanan nya lang.

Palibhasa alam nyang malaki ang katawan nya eh, sus!

"Hindi ko talaga alam kung saan mo natutunan yang ganyang mga banat mo. Halika na nga!"-Kinindatan nya lang ako atsaka natatawang sumunod sakin sa kusina.

"Yaya, pakihainan nalang itong Ampon ni Papa!"-Natawa ni Yaya Fe dahil sa sinabi ko.

Ngumuso naman si Jandy. Hahahaha, natatawa talaga ako sa tuwing naaasar ko sya!

"Biro lang, wag ka nang ngumuso hindi bagay sayo haha!"-Natatawa nalang akong umupo sa tabi nya at nagsimulang kumain.

"Bakit ang aga mo? Wala naman kayong klase nang morning diba?"-Tanong ko.

Uminom muna sya nang tubig bago sumagot.

"Cess, manliligaw mo ako. Kaya dapat alam mo nang kailangan kitang ihatid sa School kahit wala akong pasok nang umaga!"-Nakangiti pero seryosong sagot nya.

Napayuko naman ako dahil sa hiya. Aish, sakanya ko lang talaga nararamdaman ang ganitong pakiramdam psh!

"Pero, hindi mo naman na kailangang gawin yon. Ayaw kong maabala k--"-Napahinto ako nang hawakan nya ang kamay ko.

(.^^)-----(**,)

"Kung ikaw lang naman ang aabala sakin ay bakit hindi?--Aray! Haha"-Hinampas ko nga.

"Sira ka talaga!"-Sagot ko pero natawa lang sya.

"Pero seryoso ako, okay? Kahit kailan hindi magiging abala sakin ang isang Princess Elizabeth Baltazar!"-Then he showed me his famous winked na talaga namang nagpapabilis nang tibok nang puso ko.

Napangiti ako.

"Yan. dyan ka magaling, sa pambobola!"-Natatawang sabi ko atsaka sumubo nang pagkain.

Campus Cupid'sWhere stories live. Discover now