Chapter 36. Bonfire!

11 1 0
                                    

--

Nikkay's POV.

Nakaupo na kaming barkada dito sa Dalampasigan. May bonfire pa sa harapan namin. As usual magkakatabi yung mga mag j-jowa na mag b-break din naman.

May tag iisa kaming San mig na hawak at iniinom. Tulad kanina nang mag Sea activities kami ay tahimik lang ako. Hindi ako nagsasalita pero nakikitawa kapag nag bibiro sila. Nasa tabi ko nanaman ngayon si Mokong. Habang nasa tapat naman namin sila Dustin at Fia.

Mula kanina ay hindi talaga ako kinausap ni Dustin. Nag post sya non Oo, pero hindi pa din kami nag usap. Kaya takang taka ang barkada. Pero hinahayaan nalang din nila kami dahil ayaw din nilang mangialam.

Mag mula din kanina ay si Fia ang palaging sinasamahan ni Dustin. Hindi naman sa nagseselos ako, pero talagang nalulungkot ako sa hindi ko malamang dahilan. Para kasing sa isang iglap, biglang hindi nya na ko kilala ulit.

Tinungga ko ang hawak kong bote para mawala agad ang iniisip kong yon. Nahinto lang ako nang pigilan ni Mokong ang kamay ko at ibaba ang bote.

"Dahan dahan. You'll get drunk easily."-Mahinahong pagkakasabi nya kaya napatango ako.

Nahihiya tuloy ako sakanya. Sya lagi ang kasama ko pero yung isip ko wala sakanya. Lutang, naglalayag mag isa.

"Spin the bottle, guys!"-Napatingin ako kay Tina na may hawak nang empty bottle.

Naghiyawan naman ang barkada at pumabilog pa kami. Alam kong wala pa namang lasing samin dahil Sanmig palang naman ang naiinom namin.

"Truth or Dare ang punishment ha? Ready na?"-Nagtanguan ang iba kaya pumalakpak si Tina.

Naglapag sya nang medyo malaking kahoy na pa-square at doon inilapag ang bote para maayos ang ikot. Nakangiti nyang inikot yon at nag antay kami kung kanino hihinto.

"Ano ba yan bat sakin agad?!"-Reklamo ni Cess at tiningnan nang masama si Tina.

Nagtawanan naman kami dahil wala pa man ay pikon na sya. Inalo naman sya ni Jandy kaya nananahimik din ang bruha nako ah!

"Wag ka nang magreklamo dyan. Truth or Dare?"-Nakangising tanong ni Tina.

Nakaka-kaba ang ngisi nya kaya napalunok pa si Cess. Natawa tuloy ako at nabangga pa ang braso ni Mokong kaya nag sorry ako. Ngumiti lang naman sya, ang gwapo huhu!

"D-dare."

Biglang lumawak ang ngisi ni Tina kaya pinigilan ko na agad ang tawa ko. Halatang may binabalak na kung ano eh. Sinamaan ulit sya nang tingin ni Cess pero hindi nag patinag, tumawa pa nga!

"Kandong ka kay Jandy nang 20 seconds."

Sabay kaming humagalpak nang tawa ni M nang marinig ang sinabi ni Tina. Tumingin naman samin ang iba pero hindi kami nagpatinag. Napa awang pa ang bibig ni Cess kaya mas lalo kaming natawa. Priceless shet! HAHAHAHA.

"What the hell?"-Masama nyang tiningnan ni Tina na natatawa na din.

"Why? Eh boyfriend mo naman si Jandy no. Atsaka gantihan lang yan. Ikaw nga nung inutos mo sakin dati yun sa EX ko pa. How brutal are you!"-May galit na sa mata ni Tina kay mas lalo kaming natawa ni M.

Hawak ko na ang tyan ko dahil tawang tawa na talaga ako. Naka alalay na nga sa likod ko si Mokong dahil baka matumba na ko sa buhanginan eh HAHAHAHA!

Naalala ko kasi dati nung naglaro din kami nang ganto at ganon nga ang Dare ni Princess kay Tina. Yan, nabawian tuloy sya ngayon. HAHAHAHA!

Campus Cupid'sWhere stories live. Discover now