Chapter 44. Sweetness overload!

13 1 0
                                    


---

Nakangusong pumasok nalang ako nang shower at naligo. Pag tapos ko ay kumuha lang ako nang white long sleeve polo ni Mokong sa cabinet nya dahil wala akong dalang extra-ng damit ngayon. Hindi ko naman kasi alam na magkikita kami ngayon at pupunta ako dito sa condo nya.

"Teka, ano palang susuotin kong pambaba?"

Mabilis kong kinuha ang bag ko at nakahinga nang maluwag nang meron akong makitang black maong shorts don. Buti naman hehe!

Pinatuyo ko lang ang buhok ko at nag lagay na nang powder, liptint at nag spray nang perfume. Hinayaan ko nang nakabukas ang dalawa sa butones nang suot kong polo at bahagyang kita ang kaliwang balikat ko para may style kahit papano hehe! Sa haba naman nang polo nyang suot ko ay nagmukha na iyong bistida, pero ayos lang naman.

Kinuha ko na ang panali sa buhok ko bago ako lumabas nang kwarto ni Mokong.

Nalanghap ko agad ang bango nang niluluto nya kaya patakbo akong pumunta sa kitchen nya habang nagtatali nang buhok.

"Waaaa, ang bango Mokong!"-Sigaw ko nang nakataas pa ang kamay habang nagtatali. "Na-miss ko ang luto mo, two weeks yon!"

Ngitian nya lang ako saglit bago ibinalik sa pagluluto ang atensyon. Nagpahalumbaba nalang ako sa ibabaw nang kitchen island. Totoong namiss ko ang napaka sarap na luto nya.

Nai-insecure nanaman tuloy ako dahil ako tong babae samin pero wala akong alam sa kusina. Hmp!

Iniwan ko na sa messy bun ang buhok ko at umupo sa kitchen island para panoorin ang magandang likod ni Mokong. Huhu, wala syang shirt, naka apron at black sweat pants lang sya.

Pero bakit ang hot nya pa din? Halaaaa, ano ba tong iniisip ko?!

Napakurap nalang ako nang makitang nakangising naglakad palapit sakin si Mokong at mabilis akong hinalikan sa labi. Naamoy ko nanaman ang poborito kong pabango nya, tumulo pa ang basa nyang buhok sakin kaya mabilis ko syang itinulak.
Mukhang kakatapos nya lang din mag shower.

Tumawa lang ang loko, "Dito tayo matulog ah? Pinag paalam na kita kay Tita."

"H-huh?"

Teka, tama ba yung narinig ko? D-dito kami matutulog?

Tumalikod na ulit sya sakin at pinag patuloy ang pagluluto. Pero tumakbo ako palapit sakanya kaya narinig ko nanaman ang pagtawa nya.

"You heard me, Love. Why? Para namang first time mo matutulog dito na kasama ako?"-Ngumisi sya nang pang asar kaya sinamaan ko sya nang tingin.

Totoong hindi na nga eto ang unang beses na magkasama kaming matulog dito sa condo nya, lalo na pag sobrang may tama na kaming dalawa galing sa Ruster's kasama ang barkada dahil Sunday naman kinabukasan.

Pero hindi pa naman kami nagtatabi matulog ni Mokong dahil tatlo ang kwarto ni Mokong dito. Ganon kalaki ang condo nya kaya okay lang pala.

I don't need to worry about anything. Hehe!

Umayos ako nang tayo at nag crossed arms, "Sabagay. Di naman tayo magtatabi. At tutal napag paalam mo na din pala ako, ano pang magagawa ko diba?"-Tinarayan ko sya pero pinag kunutan nya ko nang noo.

"I want to sleep beside you tonight and you can't do anything about it, Wife."

Talagang nanlaki ang mata ko at biglang kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa sinabi nya. Waaaa, a-anong... Ano bang sinasabi nang Mokong na to?!

Hindi porket mag boyfriend and girlfriend kami ay pwede na naming gawin yung--- Ahhhh!!! Ano ba tong iniisip ko?!

Hindi. Hindi pwede, at hindi talaga pwedeeee!!!

Campus Cupid'sWhere stories live. Discover now