"Bangon na Louisse."
Narinig ko ang pagtawa niya nang ibato ko sa kaniya 'yong isang unan. Mabuti nalang at malambot 'yon kaya hindi masakit kapag tumama sa mukha niya. Pinang palo ko pa 'yong isa dahil hinila niya 'yong paa ko pababa ng kama.
"Ang aga- aga pa, Cy!" Sininghalan ko siya, hindi pa rin inaalis ang katawan sa pagkakahiga. Nakadapa pa ako kaya hindi ko makita 'yong mukha niyang mala demonyo.
"It's already 10 AM! Goodness gracious! Kung hindi mo lang binigay 'yong passcode mo sa akin edi kanina pa sana ako nakatunganga sa labas." Hinila niya ulit ako, mas malakas na. "Bumangon ka!"
"Ayoko nga!" Ginalaw ko ang paa ko para bumitaw siya pero hindi ko na napigilang matawa nang kilitiin niya ito.
"Tangina, oo na!" Binitiwan niya 'yong paa ko kaya diretso akong napaharap bago tumayo. Sinamaan ko pa siya ng tingin pagkatapos dahil panay tawa pa rin siya.
Demonyo.
"Ito na! Nakabangon na oh!" Irita ko siyang binato nang unan nang tumawa ulit siya. "Depota, ang sarap sarap pa ng tulog ko, e!"
"Mag g-grocery tayo ngayon. Bihis na." Hinatak niya ako patayo bago siya pumwesto sa likod ko. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at marahang tinulak papunta sa banyo. "Ligo na."
Nakabusangot akong pumasok doon, malakas na ibinagsak ang pintuan. Pinaandar ko na 'yong heater at maghuhubad na sana nang kumatok na naman siya sa pinto. Inis ko naman itong binuksan, pinanlilisikan siya ng mga mata.
"What now?!" Kaya ayokong ginigising nang wala sa oras, e! Nagiging ganito ugali ko!
"Dress a formal one. May pupuntahan tayo pagkatapos." Bilin niya bago hinatak ang door knob para maisara ang pinto.
Mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Sinuot ko 'yong bath robe ko bago lumabas para pumili ng damit. Si Cy nasa labas na ng maliit na terrace, dinadama 'yong ihip ng hangin dahil sa ulan.
Napairap ako. Kaya naman pala naiinis ako. Depotang ulan 'yan. January na nga panay patak pa rin.
Kinuha ko lang 'yong dirty white off shoulder dress na may minimalist baby's breath flowers na naka printa na hanggang tuhod 'yong taas. Pinaresan ko lang din ito ng white sneakers para simple lang. Kinuha ko rin 'yong white sling bag ko para lagyan ng phone at wallet.
Napatingin si Cy sa akin nang marinig niya ang ingay ng blower. Pumasok ulit siya sa loob at isinara 'yong sliding door sa terrace.
"Ayusin natin." Lumapit siya sa akin at inagaw sa kamay ko ang blower. Hindi na lang din ako pumalag dahil medyo nahihirapan ako.
Sinuklay niya pagkatapos ang itim na buhok kong hanggang balikat lang. May ilang hibla lang siyang kinuha sa magkabilaang gilid at pinagtagpo ito sa gitna saka inipit. Pinaharap niya rin ako sa kaniya para maayos niya 'yong nipis kong bangs.
BINABASA MO ANG
Rain of Nightmares (Medical Series #2)
General FictionStephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past happened. But just when she's about to forget everything, along with the fact how she loves rain, an...