"Hoy halika na."
Nabalik ang atensyon ko kay Cy nang hilain niy ako palabas ng sasakyan. Ilang minuto rin siguro akong nakatitig sa labas ng simbahan, inaalala kung gaano karami ang mga alaala rito kasama si CJ.
Tahimik lang akong nagpahila sa kaniya hanggang sa makarating kami sa loob ng simbahan. Maraming mga tao, kadalasan mga youths tapos 'yong iba naman mga WOPIC member o di kaya'y sakristan. 'Yung pari lang ang hindi ko nakita.
Kilala ko ang kadalasan sa kanila lalo na 'yong matagal na talaga rito since palagi kaming sinasama ni CJ noon dito. Nakasanayan na rin namin nina LJ na magsimba tuwing linggo. Nawala lang yata 'yon noong naging doctor na kami at matapos 'yong aksidente.
"Kuya Cy!"
Napatingin ako sa lalaking nasa 15 to 16 years old, mukhang koreano. Nakasuot siya ng white t-shirt na may naka imprint na 'YIFI' at may logo ng IFI. Naka maong pants lang din siya at black and white sneakers.
Tumatakbo siya sa aisle papunta sa direksyon ni Cy. He's spreading his arms in the air while smiling from ear to ear, definitely excited to hug this guy in my side.
"Jiho!" Sinalubong din siya ng yakap ni Cy. Nagtawanan pa sila dahil ginugulo ni Cy ang buhok niya matapos kumalas sa pagkakayakap.
Napatitig ako sa kanilang dalawa. Hindi pamilyar ang batang lalaki sa akin dahil hindi ko pa siya nakita noon. Siguro ay bago pa lang siya. Pero napangiti pa rin ako dahil sa postora nilang dalawa.
Mahilig pala sa bata si Cy.
"Girlfriend mo?" Tinuro ako ni Jiho na nakangiti, inaasar si Cy.
"Hindi pa." Barumbadong sagot ni Cy, napahagikhik at kaagad na pinalo ang kamay ng bata para maibaba ito.
Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Mamaya baka isipin pa ng bata na totoo 'yong pinagsasasabi nitong demonyo. Hindi niya naman talaga ako girlfriend. Bakit nanligaw ba siya? At kahit na manligaw pa siya, wala akong planong sagutin siya!
"Akin nalang. Type ko, e." Humagikhik ulit si Jiho, itinuon na ang atensyon sa akin pagkatapos. Matamis siyang ngumiti sa akin bago itinaas ang kamay para mag wave. "Hi ate, ang ganda mo."
Natawa nalang ako sa kaniya, napapailing na. Natawa rin siya kaya tinulak na siya palayo ni Cy. May kung ano siyang sinabi roon kaya nakabusangot siyang bumalik doon sa may mga nagkukumpluan na youths.
"Lika, pakilala kita sa mga WOPIC members dito." Ngumiti siya sa akin bago hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila papunta sa may choir area.
Napalingon sa amin 'yong karamihan nang mapansin nila ang paghinto namin sa tapat nila. Nasa mga 30s-60s na yata sila. 'Yung iba pamilyar pa sa akin at 'yong iba ay hindi ko na maalala.
"Hi po!" Bati ni Cy sa kanila habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Rain of Nightmares (Medical Series #2)
General FictionStephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past happened. But just when she's about to forget everything, along with the fact how she loves rain, an...