12

470 32 1
                                    


"Agahan mo bukas, a! Pag ikaw naabutan kong tulog pa, humanda ka talaga sa'kin."


Napairap ako habang patango-tango para lang matahimik na siya. Hindi ko na yata mabilang kung pang ilang pagbabanta na 'yang ginawa niya tungkol sa paggising ko.


"Oo na nga, diba? Punyeta ka." Tinulak ko siya sa labas ng pinto para umalis na siya. Pagsasarhan ko na nga sana nang iharang niya 'yong paa niya kaya hindi ko natuloy.


"Ano?!" I looked at him with so much irritation. Hindi ko alam bakit napipikon na naman ako sa kaniya.


"Bipolar ka ba?" Napakamot siya sa ulo niya kaya napairap ulit ako. 


Napatitig siya sa akin ng ilang segundo kaya hindi rin ako nagpatalo. Siya na ang unang umiwas nang may sabihin siya sa akin, ibinaling na sa iba ang atensyon. 


"Need help?" He asked, looking like a siberian huskey.


Takang-taka ako habang nakatingin lang sa kaniya. Saan? What kind of help? Mas lalo lang tuloy akong nainis dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.


"Grocery?" Ay depota.


"No need. Alis na." Tinulak ko ulit siya kaya natatawa na niyang inalis ang paa sa pagkakaharang. 


Kaagad kong sinara ang pinto para hindi na siya ulit mangulit. Napasandal ako sa likod nito at napabuntong-hininga. Maybe it's raining outside kaya naiirita ako. That's it.


Inayos ko nalang muna ang mga pinamili ko kanina sa ref. In-arranged ko pa dahil hindi naman siya gaano kalaki kaya kailangang pagkasyahin lahat.


Napatitig ako sa gardernia at nutella nang makuha ko ito galing sa plastic bag. I don't know what happened but my lips slowly formed a smile like it has its own mind.


"You're crazy, Stephanie." I can't help but to slap my mouth when I noticed it. 


Inilagay ko nalang ito sa coffee table, napailing. My mind's too clouded that's why I kept on acting weird. That's it. Hindi naman ako palasalita kapag hindi ko close 'yong tao. 


Tama. Distraction lang. There's nothing more.


Napahiga nalang ako sa kama, nilakasan pa 'yong aircon para madali akong makatulog. Mas masarap kasing matulog kapag malamig 'yong paligid but not when it's raining of course. Kaya nga medyo naninibago ako dahil at least ngayon, nakakatulog ako kahit na maulan unlike before.


The next morning, I woke up earlier than expected. Quarter to 7 AM pa lang kaya naisipan ko nalang munang magluto ng sinigang. I like heavy breakfasts---and so as CJ.


Napailing ako. Naaalala ko na naman siya. May mga bagay pa ba akong magagawa na hindi siya masasali? Parang lahat nalang kasi ng ginagawa ko ay nakakapagpabalik ng alaala ko sa kaniya. 

Rain of Nightmares (Medical Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon